Pahabol na kilig

271 12 7
                                    

"Oh sige na..dito na lang..Ok na ako dito, bukas nalang ulit."

Hawak kamay ay nagpaalam na si Klay kay Fidel na ngayon ay kanya nang nobyo.
Hindi maikubli ang kilig sa mga mukha nilang dalawa kung kaya ang mga ngiti ay hindi mapigilan.

"Ano ba Fidel, wag ka naman masyadong ngumiti baka di na kita pauwiin nyan eh..charot!"

"Kung ako lang din ang masusunod ay iuuwi na kita sa aking tahanan Klay.."

"Huy sira! Kakasagot ko lang sayo gusto mo itakehome nako! Wag kang ganyan baka umoo ako! char! Hanuba Fidel! Amacana! Kinikilig nako masyado sayo."

Sabay hampas sa braso ng nobyo.

"Ama-ha? Ngunit kung ano pa man tunay talaga ang aking kagalakan ngayon nakamit ko na ang iyong matamis na oo Klay. Kung maaari lang na huwag ng gumalaw ang oras at manatili tayo na lang dito...ngunit kailangan kitang pauwiin dahil ano na lang ang sasabihin ng aking amigo saakin.."

"Oo nga pala speaking of Sir Ibarra, naku need na talaga natin umuwi at anong oras na.."

Natahimik silang dalawa.
Tumitig sa mata ng isat-isa.
Magkahawak muli ang mga kamay ay napakagat na lang si Klay ng kanyang mga labi. Kitang kita naman niya na bumaba ang mga tingin ni Fidel patungo dito.


"Klay..?"

"Yes Fidel?"

"Maaari ko bang muling.. hagkan ang iyong mga labi...kung ayos lamang saiyo..?"

Diretsong tanong nito sa kanya.

Ngumiti muna si Klay saka tumango tango.

Dahan dahang inilapit ni Fidel ang mukha nito sa kanya.
Nagtagpo ang kanilang mga tingin.
Marahang hinaplos ni Fidel ang kanyang mga pisngi.
Bumaba ang mga mata sa labi ng isat-isa at dahan dahang pumikit si Klay at ...

at..

at wala?

Ha?

Idinilat niya ang mga mata at nakitang nakatitig lang ang lalaki sa kanyang mukha habang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Pinagtitrapan mo ba ako Fidel?!! Pinagtitrapan mo ko ehh!! Nakakainis ka!"

"Pinagti..tripan? Niloloko ba ang ibig mong sabihin Klay? Hindi. Hindi kita pinagtitripan.. Nais ko lamang titigan ang iyong ganda mahal ko.."

Pag-amin ni Fidel.

Ramdam naman ni Klay ang paggapang ng kilig sa kanyang mga pisngi nang tawagin siya nito ng 'mahal ko'.

"Hanubaaaa!! Fidel namann ihhh!! Di na kakayanin ng puso ko!!

"Patawad Klay, masayang masaya lang talaga ako."

Nakangiting sabi nito.

"Masaya din ako Fidel."

Ikinawit ni Klay ang kanyang mga braso sa leeg ni Fidel at inilapit muli nito ang mukha sa kanya.
Muling ipinikit ni Klay ang mga mata at wala pang isang segundo ay naramdaman niya uli ang matamis na halik ni Fidel.

~

Oh, when you walk by every night
Talking sweet and looking fine
I get kinda hectic inside
Mmm, baby I'm so into you
Darling, if you only knew
All the things that flow through my mind
But it's just a sweet sweet fantasy baby
When I close my eyes
You come and you take me
It's so deep in my daydreams
But it's just a sweet, sweet fantasy baby

"Image rap- Ayy kalabaw!!"

Sigaw ni Klay nang magulat sa biglang pagsulpot ni Crisostomo sa pintuan.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now