Peter losing Wendy

108 4 3
                                    

"Fidel, patawarin mo ako. Kailangan ko nang umuwi samin."





"Klay, anong nangyayari?? Anong uuwi?? Saan?? A-at ang liwanag na iyon?? A-ano iyon??"


Uutal na tanong ni Fidel.



Sa gitna ng kagubatan, kung saan sila napadpad ni Klay sa pagtakas sa mga humahabol na Guardia civil ay may biglang lilang liwanag ang lumitaw.



"Fidel, s-sinabi ko na sayo noon. Hindi ako taga rito sa mundo nyong ito. A-at ang lahat ng ito ay mula sa kathang isip ng isang tao na nagmula saamin. Isang akda, k-kwento. Ikaw..si sir Ibarra, sila Maria Clara at lahat ng narito..ay..ay mga tauhan lamang sa isang nobela."



Pagpapaliwanag sa kanya ni Klay.



"Klay... ayan ka na naman sa mga kwento mong hindi mawari..Klay...please. Stop it..."



Saad ni Fidel. Kasabay ang pagbagsak ng mga luha na pilit niyang pinipigil. Gulong gulo at litong lito na ang isipan niya sa mga nangyayaring kaguluhan at ngayon naman ay kababalaghan? Ano pa ba ang susunod?



"..It's not the right time for this kind of joke Klay. Kailangan pa nating hanapin si Crisostomo, hindi ba?? Kaya itigil mo na muna iyan. Halika na."






Kinuha niya ang kamay ng dalaga upang akayin ito ngunit binawi nito ang kamay mula sa kanya.




"Fidel! F-Fidel..makinig ka..Fidel, totoo ang sinasabi ko..at..at ang ilaw na iyon. Ang lilang ilaw na nakikita mo ay ang tanging daan pauwi samin...

Wala na si sir Ibarra, Fidel.

Dito na natatapos ang kwento sa libro. Kailangan ko nang umuwi saamin Fidel."




Saad ng kasintahan habang pinapahid ang mga luha.



"Klay, nagsusumamo ako. Huwag mo naman akong saktan sa ganitong paraan.
At paano naman ako?
Paano na lang ang sinumpaan nating pag-ibig sa isat-isa? Ang sabi mo ay uuwi ka na sa inyo?? Ibig mo bang sabihin ay lilisanin mo na ang lugar na ito at iiwan ako??"



"Fidel, I'm sorry. Alam ko na mali ang paasahin ka at umasa na may patutunguhan ang relasyon natin kahit magkaiba ang ating mundong pinanggalingan. Hindi ko gustong saktan ka Fidel...kaya...
kaya...

pinapalaya  na kita.."




Napatulala lang si Fidel at hindi agad nakatugon sa mga sinabi ni Klay. Na para bang hindi agad rumehistro sa kanyang pandinig ang huling salitang binitawan nito.



"A-anong ibig mong sabihin Klay?? Anong pina..palaya??"



"Pinapalaya na kita Fidel...

Tiinatapos ko na ang kung ano man ang meron sating dalawa."






Hindi ulit siya nakaimik.





Tumalikod ito sa kanya at muling nagsalita.





"M-may ibang babae ang talagang nakalaan para sayo Fidel, sa...sa pagmamahal mo..at..at hindi ako iyon. Mahal kita pero walang pag-asa ito. Sorry Fidel.... I'm really sorry."




~





Pinahid ni Fidel ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Labing tatlong taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lang lahat naganap ang mga pangyayaring hanggang ngayon ay hirap siyang unawain.



Ang babaeng kanyang iniirog ay naglahong parang bula sa harap niya.
Iniwan siya luhaan at bigo.
Kasama ng mga pangarap at pag-asa na sa paglaon ng mga panahon ay unti unti naring naglalaho.





"Kagaya ka din ni Wendy sa kwentong ibinahagi mo saakin noon Klay. Pinili ni Wendy ang umuwi sa sarili nitong mundo at iniwan si Peter Pan."


Mapait niyang saad at mapait siyang napangiti sa ala-alang muling nagbalik


"Ang tangi kong hiling na kahit sa panaginip na lamang ay muli kong masilayan ang iyong mukha.

Na kahit sa panaginip ay muli kitang mahagkan Klay.



Makikita pa ba kitang muli aking binibini?



Ayoko nang maghintay sa walang kasiguraduhan.




Pagod na ako Klay..




Ngunit ang puso ko ay patuloy pa rin umaasa."













"Sabi na nga ba at dito lang kita mahahanap kapatid."


Tinig iyon ni Elias ngunit hindi niya ito nilingon bagkus ay agad na pinahid ang mga bakas ng luha sa kanyang mga pisngi.


"Halika na't sasalubungin pa natin ang ating mga kasamahan sa paanan ng bundok."





"Sige Elias. Pasunod na ako."










~

"Bueno Hernando, meron ka pang bagay na hindi nasasagot saakin. Sino nga ulit itong babae na kakabayan ko na hinuli ng guardia civil?"


Tanong ni Fidel sa kasamahan niyang si Hernando habang inuusisa nito ang hawak na armas.



"Eh ang sabi nya, pinsan daw nya si Maria Clara Delo Santos y Alba.. Kilala nyo ba sya??"

Anito.


"Si Maria Clara, na isa na ngayong mongha sa munesteryo ng Sta.Clara.  Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mabuting madre."


Saad ni Elias.




"Ngunit hindi ko alam na may pinsan sya kamo?? Sino ang pinsan nya na ito?? Ano ang kanyang pangalan??"


Sunod sunod na tanong ni Fidel kay Hernando.





"Siya raw si binibining Klay."





Notes:

Grabe antagal na pala nung huling update ko dito😫

Nga pala, may bago po akong Filay fic na baka matripan nyo rin, title is O' kay ganda mo ginoo :)

Salamat po(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤





Filay (one shots)Where stories live. Discover now