Kailan mo naramdaman?

110 6 2
                                    

Kailanman 'di ko maiisip
Ang mundong walang ikaw
Tatandang lugod kasama ka
at kahit na kailan mamahalin kita
O kay bilis ng takbo ng panahon
walang nananatili sa mga kahapon
Umiiyak nalang sa mga litrato
At muli, napapaisip
Kailan mo naramdaman
na 'di mo na ako mahal?

Pano mo nalaman
na hindi na magtatagal

Pinahid ni Klay ang mga luhang bumagsak sa kanya pisngi.
Alam naman nya sa sarili nya.

Malaki ang chance na ganito ang mangyari pero nagbakasali pa rin siya.

Nga lang, iba pala talaga ang sakit kapag nanggaling mismo sa taong mahal niya ang mga salita at ang bagay na kinakatakutan niya.






Hours before.




"Fidel, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa hideout pero sabi nila maaga ka raw umalis. Buti na lang may nakapagsabi na narito ka raw. Ano bang ginagawa mo dito sa taas ng burol?"

Halos hingal na tanong ni Klay kay Fidel ngunit tumingin lang ito sa kanya at tumalikod saka tila abala sa kung ano man.

"Huy! Walang narinig? Ano ba yang pinagkakabisihan mo dyan? At snobber ang peg mo??"

Lumapit siya rito at sinipat ang bagay na ginagawa nito ngunit wala naman pala itong ginagawa.

Nakaramdam siya ng inis.



"Uy Fidel, ano bang drama mo?"





"Ano bang ginagawa mo rito Klay?"


Masungit na tanong sa kanya pabalik ng binata.


"Edi.. Edi hinahanap ka.

It's been three days nang makabalik ako rito pero.. ano.. Hindi pa tayo nakakapag-usap ng maayos. Nang tayong dalawa lang."



"May dapat ba tayong pag-usapan?"



"Ha?"




"Bakit ka pa nagbalik Klay?"


Napakunot ang noo ni Klay sa klase at paraan ng pagtatanong nito sa kanya.

Aba, mainit ata ang ulo ah.

Aniya sa isipan.


"Ano? Ano bang klaseng tanong yan Fidel? Di ba nga nasabi ko sayo, sa inyo nila Simoun, I mean sir Ibarra at Elias na narito ako dahil may pangalawang libro at para mailigtas si Maria Clara sa kamatayan? Narito ako ulit para tulungan kayo."



"Ikalawang libro. Hah."

Sarkastikong saad nito.


"Bat parang ang sungit mo?? Bakit? Hindi ka ba? Hindi ka ba masaya na makita ako? Fidel?"




"Masaya??

Tanong ko lang Klay. At anong balak mo?

Pagkatapos nang lahat ng ito? Kapag natapos mo nang muli ang kwentong ito?

Ano nang balak mo?"


Tanong nito kay Klay.



Napaatras siyang bahagya sa kanyang kinatatayuan nang humarap itong tuluyan sa gawi niya.




"Anong...balak ko?"

Ang tangi lang niya nasambit.





"Tinatanong mo ako kung masaya ba akong makita ka?Ha ha.

Ako Klay, tanong ko sayo..

Ano sa tingin mo?

Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon?"








Hindi agad siya nakaimik.

Tumingin siya sa mga mata nito nang diretso ngunit umiwas siya at ibinaling ang tingin sa malayo.



"Fidel, syempre.. syempre isa ka rin sa dahilan kung bakit ako nagbalik dito. Alam ko biglaan yung pag-alis ko noon pero wala akong choice. At alam mo yan."



Pagpapaliwanag ni Klay.


"Iyan ba ang dahilan mo at parang nagtatampo ka sakin? Kaya ka umiiwas? Ha?"





"Nagtatampo?? Ako sayo Klay, nagtatampo?"




Muli niyang hinarap ang mga tingin nito sa kanya ngunit iba ang ibinibigay na pakiramdam nito ng mga titig nito kay Klay.




"Fidel, kung alam mo lang yung pakiramdam ko noong araw na yun? At nang makauwi ako saamin, agad kong hinanap, binasa ang libro para magkaroon ng kahit anong impormasyon tungkol sa mga sumunod na nangyari at.. at sayo..sa kung anong nangyari sayo.. Bumalik ako rito para muling tulungan kayo at muling makita ka Fidel."



"Sa tingin mo Klay, ano bang dapat kong maramdaman matapos ang mga nangyari noon??

at ngayon nagbalik ka?

Para saan ang pagbabalik mo?

Kapag natapos mo nang muli ang kwento? Ano na? Ano nang balak mo?

Uuwi ka na muli sainyo?

Na parang wala kang...naiwang at nasaktang damdamin dito? Sa mundong ito?"




"Fidel, sinabi ko naman sayo di ba? Na magkaiba ang mundong pinanggalingan natin. Pero.. minahal kita. Minahal kita ng buong puso. Kaya nga.. kaya nga narito akong muli, para sayo."








"Bakit Klay? Sa tingin mo ba ganoon pa din ang nararamdaman ko saiyo? Sa tingin mo ba sa loob ng labing tatlong taon ikaw parin??"






~

The words Fidel said towards her sliced her heart out.

Totoo nga naman, it's been 13 years at hindi imposible na magbago o mawala ang pagmamahal ni Fidel sa kanya and besides it was her who broke up with him nang araw na nagpagkita ang portal pabalik sa real world.

But she didn't expect na ganito pala kasakit ang malamang hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Na kaya pala ang lamig ng pakikitungo sa kanya ni Fidel at umiiwas ito sa kanya dahil sa ginawa niya noon sa kasintahan, dating kasintahan.

Ganito pala kasakit sa damdamin marinig mismo kay Fidel na hindi ito ang dating pag-ibig.

Masisisi nya ba ito? Siya naman ang may sabi nito noon, na hindi siya ang babaeng nararapat sa pagmamahal ng lalaki.

Muli, ay bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Ano't ano pa man ay narito na siyang muli at may mga dapat siyang gawing misyong upang mailigtas ang kanyang mga kaibigan. Mahirap man ang makita ang lalaking kanyang minamahal na hindi na ito ang dating pag-ibig ay kailangan pa rin niyang gawin ang ipinunta niya rito kahit na nasasaktan ang damdamin niya.




Notes:

Nakapag-update oh😅
Gusto ko lang sabihin na karugtong to nung Filay na naging magjowa si Fidel and Klay.

Pero pwede ding fic to na what if hindi kagaya ng nangyari sa tv series yung naging reaksyon ni Fidel sa pagbabalik ni Klay. What if it's the opposite? Di ba? Hehe.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now