Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)

409 13 3
                                    


"Sir Ibarra, nandyan na pala kayo? Kamusta po yung lakad nyo?"
"Magandang tanghali sayo Binibining Klay, oo at kakarating ko lamang galing sa tahanan nila Maria at ayos naman ang aking naging pagpunta doon. Ikaw ba? Kamusta naman ang pananatili mo rito?"
"Ah ok naman sir. Tapos ko na mga gawaing bahay ko. Nakaluto nadin kami ni Mang Adong ng pananghalian. Hinihintay na nga lang po namin ang pagdating nyo."
"Ah ganoon ba? Hali na't nang tayo ay makakain na."
"Teka Sir, himala at.. kayo lang?"
"Ano ang iyong ibig sabihin Miss Klay?"
"Napansin ko lang wala ata yung kaibigan nyong pinaghanguang ng aircon sa hangin?"
"Aircon? ... Kaibigan? Si Fidel ba ang iyong tinutukoy Binibini?"
"Sino pa ba yung kaibigan nyong mahangin pa sa electric fan? Himala kasi at hindi sya nagpupunta dito?"
"Bakit? Hinahanap mo ba si Fidel Miss Klay?"
Napataas ng kilay si Klay.
"Uy sir Ibarra, bat ko naman hahanapin yun no?"
"Eh kung gayun ay bakit mo tinatanong kung nasaan ang aking amigo?"
"Hala Sir, issue ka ha? Napansin ko lang naman."
"...grabe sya." pahabol niyang bulong.
"Sa wari ko ay sobrang abala ngayon ng iyong manliligaw sa kanyang mga negosyo kung kayat hindi siya nakakabisita sa iyo Binibini."
Napaiwas siya sa mga tingin ni Sir Ibarra.
"Naku oks nga yun Sir eh. Tahimik yung mundo ko."
"Syang tunay nga ba Miss Klay?"
"Ay siguro gutom na kayo? kaen na kayo dun Sir. Sakto tinola ulam ng maliwanagan yang utak nyo. hehe"
Tumawa lang ito at tinignan sya bago lumakad papunta sa comedor.
Malakas din magtrip to si Sir Ibarra eh no, sa isip isip ni Klay.
Ngunit bago lumakad at sumunod sa loob ng bahay ay sinipat muna ni Klay ang labas na paligid.
At wala sa loob na napabuntong hininga na lamang.




Kinabukasan.

"Mang Adong! Nasaan po si Sir Ibarra? Nakaalis na po ba sya?"
"Ah opo señorita Klay. Kanina pa po nakaallis si Señor Ibarra. May kailangan po ba kayo?"
"Ha? Ah wala naman, kayo po ba? Anong gagawin nyo? San kayo pupunta?"
"Pupunta po ako sa pamilihan upang mamalengke. May gusto po ba kayong iutos sa akin señorita?"
"Pwede bang ako nalang Mang Adong ang mamalengke?"
"Ho?"
"Wala kasi akong magawa eh, tapos ko na lahat ng gawaing bahay. Nalampaso ko na lahat ng pedeng lampasuhin dito sa bahay ni Sir Ibarra kaya sige na Mang Adong. Please?"
"Please?"
"Ah, ano ba sa salita nyo yun? por- ah! por favor!"
"Ngunit señorita-"
"Wag ka mag-alala Mang Adong keribels ko ng mamalengke dito."
"Ke-keri bels?"
Naguguluhan man ang lalaki, sa huli ay nagawa ring pumayag nito sa pangungulit ni Klay.



Humigit kumalang dalawang oras bago natapos ni Klay ang pamamalengke, medyo nahirapan kasi syang hanapin yung ibang nasa listahan kasi hindi nya maintindihan.
Pauwi na siya nang may biglang may makasalubong nang hindi inaasahan.

Hindi nakatingin sa kanyang nilalakaran kung kaya ay nabangga niya ang lalaking nakahinto sa kanyang harapan. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na buslo mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ito ng lalaking nabangga niya

"Ay sorry po, hindi ko po sinasadya-"
"Miss Klay?"
"F-Fidel?"

Napatigil si Klay sa kanyang kinatatayuan.
Uy klay, sumagot ka? Bat kinakabahan ka? Si Fidel lang naman yang nasa harapan mo. Usap niya sa sarili

"Miss Klay? Ayos ka lang ba?"
"Sir..Sir Fidel?"
Bat nauutal gurl?
Ngumiti ang lalaki sa kanya na sya namang mas nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Namiss ko yan."
"Hmm? Na..miss mo ako? Tama ba ang narinig ko Binibining Klay?" Masayang turan ni Fidel.

Hindi inakala ni Klay na malakas pala nyang nabigkas ang nilalaman ng kanyang utak ngunit may pagkatotoo naman ang mga sinabi nya pero syempre deny si ate mong gurl.

"Hoy! Miss mo mukha mo! Hmp!"
Naisin mang magtaray ni Klay pero sadyang hindi nya maikubli ang galak na makita si Fidel kung kaya kahit gusto nyang suminangot ay hindi nya mapigilang mapangiti.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now