CHAPTER ONE

1.9K 53 2
                                    


More than four years later.  


PINAGMASDAN ni Aleya ang nakahigang ina. May humihiwa sa puso niya habang pinagmamasdan ang sakiting ina. Ilang taon na bang nasa wheelchair si Criselda? Seven? Eight years? Hindi niya gustong tandaan ang simula ng pagkakasakit ng ina. Mas gusto niyang isipin ang masasayang araw nilang dalawa.

Pinatingnan na ito ni Flavio sa iba't ibang doktor. At iisa ang sinasabi, gagaling ito. And she thought them all liars. Dahil ilang taon na'y ganoon pa rin ang kalagayan ng ina. Higit na lumalala.

And she hated to leave her. But she had to!

Yumuko siya and planted a soft kiss on her forehead. Bahagyang gumalaw si Criselda, subalit hindi nagising.

"I'm sorry, Mama," bulong niya sa sarili. "Ayokong makulong sa bahay na ito... sa lugar na ito. Isa sa mga araw na ito'y babalikan kita..."

She almost winced. Sa binabalak niya'y natitiyak niyang higit na matagal na panahon bago niya muling makita ang ina.

Banayad at maingat siyang lumabas ng silid. Wala ang stepfather niya. Kahapon pa umalis. May mahalagang meeting si Flavio sa isa sa mga pinuno ng MNLF.

Hindi muslim ang stepfather niya at lalong hindi ito kabilang sa mga MNLF. But her stepfather chose to befriend these people. Hindi niya alam kung bakit.

Taon-taon ay umuuwi siya sa Mindanao. At lagi na'y sa airport pa lang sa Switzerland ay naroon na ang mga bodyguard niya upang sabayan siya sa pag-uwi, stopping through different asian countries na para bang may iniiwasan. And then would fly another plane via Davao International Airport.

Tuwina'y nakikita niya ang mga taong iyon na kausap ng stepfather niya. She even hinted that he was supplying those people arms. Even money.

She had no idea why. Hindi naman anti-government si Flavio. Katunayan, noong nasa Maynila pa sila'y hindi mabilang ang taong pumupunta sa bahay nila. At kabilang sa mga iyon ay mga miyembro ng militar.

At limang buwan na siya rito sa Ipil-Ipil. Pinakamatagal sa mga naging bakasyon niya sa nakalipas na apat na taon. Isinuhestiyon ni Flavio na huwag siyang mag-enroll sa semestreng iyon. That she spent the next months with her mother. Gusto niyang tumanggi dahil hindi niya gustong sayangin ang isang semestre.

Magtatapos na siya sa ikalawang semestre kung papasukan niya ang semester ngayon. Subalit alam niyang walang mangyayari kung magpoprotesta siya. Besides, she felt guilty, dahil ang ina mismo ang idinahilan ni Flavio. Ano na lang daw ba ang kalahating taon.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit si Flavio mismo ang sumundo sa kanya at bago sila umuwi'y he offered to take her anywhere she wanted to celebrate with some of her friends.

Gusto man niyang makapiling nang matagal ang ina'y mahina naman ito at hindi nakapamamasyal. Naiinip na siya. Hindi siya maaaring lumabas nang walang bantay. At wala siyang ibang nakikita kundi ang mga tauhan ng ama at ang mga muslim na mga kaibigan nito. Mga kaaway ng pamahalaan, kung tutuusin.

At tuwing naroroon ang mga ito'y mahigpit ang bilin ni Flavio na huwag siyang lalabas ng silid. Na kahit marahil hindi nito ipagbilin ay hindi niya nanaising makita ng mga bisita nito.

She hated all of them. And scared of them, too.

Kailangang magkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin si Flavio na babalik na siya sa Switzerland. Hindi baleng hindi siya makapag-enroll sa taong ito. Maybe she could find a temporary job while waiting for the next semester.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now