CHAPTER TWELVE (4)

1.7K 51 0
                                    


NALIGO na muna si Aleya at nagbihis bago binuksan ang French doors at lumabas sa veranda dala ang tray ng almusal na ipinasok ni Elena sa kanya habang nasa shower siya. Tinanghali siya ng gising. Tulad ng ibang mga nagdaang gabi'y hindi madali para sa kanya ang matulog.

Pinuno niya ng hanging-dagat ang dibdib. She could even taste the salty air. Sa di-kalayuan ay tila nagsasayaw ang liwanag ng araw sa mangasol-ngasul na dagat.

Umupo siya sa wicker chair and took a sip of her coffee nang mapakunot-noo siya. Ibinaba ang tasa sa platito at muli'y tinanaw niya ang dagat sa bahaging iyon ng veranda. Ganoon din ang mga puno ng niyog at ang mga halaman. Bukod sa wala siyang matanaw kahit isa sa mga tauhan na karaniwan na ay simpleng naglalakad sa buong paligid na tila mga turista'y naroon ang tila nakabibinging katahimikan.

Kahit yata ang mga ibon ay wala. Kahit ang kaluskos ng mga dahon ng niyog ay hindi rin niya naririnig. But of course, the soft wind still blew, lamang parang kakaiba ang katahimikan.

"Good morning."

Tumingala siya and looked straight into a pair of familiar stormy eyes. Her heart skipped a beat. Every cell in her body felt the impact of him. Mula sa matipunong katawan nito, to his powerful sexuality and to his incredible good looks.

At inisip pa man din niyang relax ang pakiramdam niya dahil tanghali na siyang nagising. At ang inaakala niyang katahimikan ng buong paligid ay isang pagkakamali sa bahagi niya.

Sa paglitaw ni Kiel ay tila nahalinhan ang katahimikan ng paligid ng kulog at kidlat, loud with unspoken feelings.

"Hi." She found herself smiling at him. "Coffee?"

"Sabi ni Elena'y kape at papaya lamang ang hiningi mo. Kung ganyan nang ganyan ang aalmusalin mo'y pasasamain mo ang loob niya."

She shrugged. "Hindi naman ako magtatagal dito, 'di ba?"

Tinitigan ni Kiel nang matagal ang dalaga bago nilinga ang buong paligid.

"Why don't we go outside. It's a beautiful day."

"Nasa labas na ako at nakikita ko ang kagandahan ng paligid mula rito."

"Of course. Pero ang verandang ito'y bahagi pa rin ng bahay. Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi tayo maglakad-lakad sa baybayin. Maaga pa at hindi pa mainit ang araw."

Last night he told her he wanted her. That was why she wasn't surprised at his invitation. Subalit kakaiba ang tono ng boses nito. Na para bang ang imbitasyon ay kailangan nitong gawin dahil bisita siya at obligadong i-entertain nito.

"Nasaan si Kaila? Hindi ba at tuwing umaga'y kasama siya ng yaya niya sa beach?"

He shrugged. "She's not in the mood to go down to the beach today. Nasa banyo at pinaliliguan ang mga manika."

Lihim na napangiti si Aleya sa sinabi nito. When she was a kid, hindi ilang beses siyang pinagagalitan ng yaya niya tuwing pinaliliguan niya ang barbie doll niya.

"Come." Iniabot ni Kiel ang kamay sa kanya at bago niya napigilan ang sarili'y humawak siya roon.  


HINDI niya matiyak kung kailan binitiwan ni Kiel ang kamay niya. At naroon bigla ang damdaming tila siya nag-iisa. Pinigilan niya ang sariling muling abutin iyon at hawakan.

"Nang iwan kita kagabi'y nakatulog ka ba kaagad?" he asked conversationally.

"Hindi madali sa akin ang pagtulog." Sinabayan niya iyon ng linga rito subalit nakatingin sa unahan si Kiel. "I've got insomnia."

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now