CHAPTER SIX

1.7K 50 2
                                    


"DADDY, DADDY!"

Muli siyang napalingon. Isang batang babae ang tumatakbong palapit sa kanila at nagmumuntik-muntikanang madapa dahil pababa ang bahaging kinaroroonan nila ni Kiel. Sa likod nito'y ang humahabol na yaya.

Sa malalaking hakbang ay sinalubong ito ni Kiel. Akma itong madadapa at mawawalan ng panimbang nang masalo nito.

"Got ya!" si Kiel at kinarga ang bata na humagikgik ng tawa.

She was cute and pretty. Her short ashed-hair in riot curls. Maiitim ang mga mata tulad ng kay Kiel at binagayan ng mahahabang pilik-mata. In pink cotton signature T-shirt and shorts.

"Ikinalulungkot ko po, Mr. Montañez. Sandali lang po akong tumalikod upang punuin ng tubig na pampaligo niya ang portable pool. Paglingon ko po'y wala na siya," ang takot na takot na wika ng yaya.

"Sa susunod ay pag-iingatan mong hindi makawala sa paningin mo ang bata, Anita," wika nito sa seryosong tono. At pagkuwa'y binalingan ang anak na karga. "What are you doing up, sweetheart? Running from your yaya like that?"

Ang walang-emosyon at matigas na tinig na naririnig niya kay Kiel ay nahalinhan ng banayad na tinig. The steely eyes melted. He was softly talking to the child indulgently.

And it came as a shock to her. Just as she was astounded at the tenderness she saw in Kiel's eyes as he softly kissed the child's head.

This was the man who kidnapped her cold-bloodedly!

"You said you will come and play with me..." wika ng bata, giggling and hugging her father tightly.

"Of course, sweetheart," he said tenderly subalit sa bahagyang malakas na tinig. "But I want you to meet Aleya first." Iniharap nito ang bata sa dalaga. "This is Aleya, she's our guest," wika nito sa mismong anang tainga ng bata. "Aleya, my daughter Kaila."

"Hello..." Kaila said shyly.

Ni hindi niya magawang sumagot sa pagbati ng bata sa kanya. Ni hindi siya makaisip kung ano ang sasabihin. Ikinabigla niya ang presensiya ng bata sa rancho na natitiyak niyang napapaligiran ng mga armadong lalaki.

Higit sa lahat, ang kaalamang may asawa na si Kiel. Ano ang sinasabi ng asawa nito sa ginawang pag-kidnap sa kanya ni Kiel Montañez?

May palagay siyang alam ng lahat ng mga taga-rancho kung bakit siya naroroon. Kahit si Elena who seemed so kind and so motherly. She was consumed by her thoughts na hindi agad niya napuna ang pagtigas ng mukha ni Kiel sa rejection niya sa pagpapakilala sa anak nito.

Binalingan ni Kiel si Anita. "Come to your yaya, sweetheart. I'll be with you later," he said a little bit loudly.

"Promise?"

"Promise and cross my heart and hope to die," wika nito, muling bumalik ang ngiti sa mga labi para sa anak at iniabot kay Anita ang bata.

"Sama mo siya?" wika ng bata na ang mga mata'y kay Aleya nakatuon. At nakangiti sa dalaga.

Nilapitan ni Kiel ang anak sa Yaya. "No, sweetheart. Aleya is going to be busy to play with you."

She pouted. "You're busy, she's busy, Uncle Luke, too. Why is everybody busy?" tila naiiyak na sabi ng bata.

At hindi kayang tingnan ni Aleya iyon. Tila may pumiga sa puso niya. Remembering herself as a child. Walang kasama kundi ang yaya. Though her mother loved her, umaalis ito sa umaga upang pumasok sa escuelahang pinagtuturuan at kadalasan ay tulog na siya kung dumating si Criselda. Ganoon din ang ama niya who was almost away on business.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now