CHAPTER FIFTEEN (7)

1.8K 53 1
                                    


MATAGAL na tinitigan ni Luke ang dalaga. Pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga.

"I have never seen Kiel worried about a certain woman before, Aleya, tulad ng pag-aalala niya sa iyo." His lips quirked ruefully. Then he shrugged. "Siguro'y dahil ayokong magkaroon ka ng maling pangmalas sa kanya dahil sa pagdukot namin sa iyo at sa mangyayari pa sa susunod na mga araw. As I can see it, he was willing to protect you with his life, tulad ng kung paano niya gustong protektahan si Kaila."

Hindi niya alam ang isasagot doon. Subalit sa kaibuturan ng puso'y naroon ang kasiyahan.

"Hindi mo marahil tatanggapin ang obserbasyon ko. But I guess there's something going on between the two of you."

Muli'y pinamulahan siya ng mukha subalit tinakpan iyon ng galit sa tono nang magsalita.

"Anumang sandali'y magkakaroon ng digmaan sa islang ito subalit nagkakaroon ka pa rin ng romantic notion tungkol sa amin ni Kiel? I can't believe it!"

He smiled. "I care about my cousin. I don't want him hurt again. And as I can see it, he cares about you. I hope pagkatapos ng lahat ng ito, you wouldn't hate him so much..."

Tumayo na si Luke at sinusundan niya ng tingin ang bulto ng lalaki. Suddenly, she missed Kiel. Gusto niyang makita kung paano siya nito pakikitunguhan pagkatapos kagabi.

She was still thinking about Kiel nang isang munting tinig ang narinig niya mula sa likuran. Si Kaila.

"Magaling ka na?" tanong ng bata.

She smiled. Yumuko siya at nagsalita sa bahagi ng tainga nitong walang gaanong diperensiya.

"Yes, thank you for asking. How are you this morning? Nasaan ang yaya mo?"

Small shoulders shrugged like grown-ups did. "I went to your room yesterday. Binabantayan ka ni Daddy. I can see in his face how worried he was. And I'm glad because I want you to be my new mommy," dere-deretso nitong sabi.

Aleya gasped. Kasabay ng paglinga sa paligid dahil baka may nakarinig sa bata. And to her relief, sila lang dalawa ni Kaila sa bahaging iyon ng veranda.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Hindi mo dapat sinasabi iyan, Kaila. I am only here as your father's—guest. Yes, guest. I-I would soon leave."

Subalit hindi yata siya naintindihan o narinig ng bata dahil hindi ito sumagot. Sa halip ay tumingkayad and planted a soft kiss on her cheek at pagkatapos ay nagtatakbong palayo.  


ALAS-DOS na ng hapon subalit hindi pa rin sila nagkikita ni Kiel. Ni hindi siya pinupuntahan nito sa silid niya. Ang nangyari ba sa kanila kagabi'y bale-wala rito? But then she couldn't blame him. She came to him last night.

Ipinasya niyang puntahan ito sa study nito sa basement. Hindi niya kayang manatiling naghihintay. Maybe she could make a joke of what happened. Na hindi siya naapektuhan sa nangyari sa kanilang dalawa.

Isang mahinang katok ang ginawa niya at pagkatapos ay inikot ang doorknob at binuksan ang pinto.

"Oh, I am sorry. H-hindi ko alam na may kasama ka," aniya nang makitang may dalawang lalaking kausap si Kiel. "Saka na lang ako babalik."

"Don't leave, Aleya," tawag ni Kiel nang akma siyang tatalikod. "Tapos na kaming mag-usap." Tinanguan nito ang dalawa na agad namang tumayo. They gave Aleya a polite nod bago tuluyang lumabas.

Humakbang si Kiel patungo sa kanya. Ang mga matang kanina'y dinatnan niyang seryosong nakikipag-usap ngayo'y kasing-itim ng gabi sa pagkakatitig sa kanya. Desire in his eyes.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon