CHAPTER THREE

1.8K 55 2
                                    


HINDI niya kayang imulat ang mga mata. Nakaririnig siya ng marahang paggalaw at pag-uga. The movement was familiar. Nasa yate siya, natitiyak niya iyon. They had sailed many times aboard Aleya.

Fear gripped her. Nahuli siya ng mga tauhan ng stepfather. At ngayo'y naglalayag sila pabalik ng Mindanao.

No. Hindi niya gustong bumalik sa Ipil-Ipil. Gusto niyang bumangon subalit kahit yata daliri niya'y hindi niya makuhang igalaw.

Sunod niyang narinig ay mga tinig.

"Mahaba pa ang oras bago tayo makarating sa Capistrano. Ayoko munang magising siya." A deep voice said.

Capistrano? What and where in the hell was Capistrano?

Umungol si Aleya subalit walang lumabas sa lalamunan niya. Narinig na niya ang tinig na iyon. Pero walang mahagilap ang isip niya kung saan niya narinig at kung kanino. Muli'y nadama niya ang matinding takot.

She tried to speak... to say something. She wanted to scream at her captors but she was too weak. She couldn't even open her eyes. Sa halip ay isang ungol ang kumawala mula sa kanya.

"Sshh, it's all right."

She heard the soothing voice habang ang isang kamay nito'y banayad na dumadama sa noo niya. Pinapahid ng palad nito ang mumunting butil ng pawis na gumitaw sa noo niya.

Nang bigla'y makadama siya ng tila tusok ng aspili sa kanyang braso at muli'y nahulog siya sa kawalan.

Dahan-dahang tumayo si Kiel mula sa pagkakaupo sa gilid ng katre. Inihagis ang heringilya sa trash bin. Pagkuwa'y tinitigan si Aleya. He couldn't forget the fear in her eyes as she'd lost consciousness.

Ang takot ay kasama na sa buhay ng tao. Kahit na sino.

Subalit iba ang takot na nakita niya sa mga mata ni Aleya kanina sa beach. Marahil dahil nang gumanti ito ng bati sa kanya ay naroon ang inosenteng kuryosidad. Wala kahit na anong takot sa mga mata nito nang ngitian siya ng dalaga. Gumuhit lamang ang takot sa mga mata ni Aleya nang malaman nitong nahulog ito sa isang patibong.

One moment there had been a wild beauty about her, inililipad ng hangin ang lampas-balikat na alon-along buhok. She was smiling, her face relaxed. Nang sumunod na sandali'y tila siya isang dagang nahuli sa isang mousetrap.

Hindi niya gustong gawin iyon pero wala siyang mapagpilian. Kailangan niya si Aleya.

"She—she looks so helpless," he said almost to himself. There was something about her that needed protection. Yes. She should have been protected from him. From them. The irony of life.

"She is helpless," sang-ayon ni Luke, a little bit amused. Kiel was stressing the obvious. "We drugged her."

Muli siyang yumuko at pinahid ang butil ng pawis sa noo ng dalaga. Pagkuwa'y nagbuntong-hininga. Hindi gustong bigyang-pansin ang guilt na nagsisikap umahon sa dibdib. Humakbang patungo sa pinto ng yate at lumabas.

 

TILA may pumupukpok sa ulo niya. Napakasakit. Nanunuyo ang bibig at lalamunan niya. Sinikap niyang imulat ang mga mata, and it took her too much effort bago niya nagawang magmulat.

Ano ang nangyayari sa kanya? Nananakit ang katawan niya at hindi siya makakilos. Itinuon niya ang mga mata sa kisame. Natitiyak niyang wala siya sa inuupahang cottage sa beach resort. Dahil puti ang kisame niyon. At ang namulatan niyang kisame'y off-white.

Natuon ang mga mata niya sa isang malaking bintana. Mula roon ay nakikita niya ang liwanag ng araw. Ang natatandaan niya'y pagabi na nang tumayo siya mula sa bato at...

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now