CHAPTER FIVE

1.7K 58 3
                                    


BUMABA sila patungo sa isang hardin. Huminto si Kiel sa tapat ng isang matandang puno ng bougainvillea. May dalawang bench doon na yari sa mga troso at mesang pahaba. May barnis iyon sa natural lamang na kulay ng kahoy.

Napatingala si Aleya sa lumililim sa pahingahang upuan, hindi man niya gustuhin, she was mesmerized.

Never in her life had she seen a bouganvilla tree na kasintaas ng punong tinitingala niya. Hindi niya inisip na lalaking tulad sa isang puno ang halamang iyon. Hindi halos makita ang mga dahon dahil nakapaikot sa puno ang mga pulang bulaklak na ang iba'y sumasayad na sa lupa. Nakalimutan niya sandali ang dahilan kung bakit siya naroon.

"That bougainvillea is probably as old as you," ani Kiel sa amused na tono. "I couldn't remember when it was planted. I was still a boy."

Mabilis ang pagbaling ng mukha niya sa lalaki. She took a deep breath and composed herself. She wasn't here to admire anything.

"Maupo ka, Aleya..."

She did as she was told. Ngayon niya napagtanto kung bakit hindi man lang nainda ng tauhan ni Kiel ang ginawa niya. She still felt tired and weak. Hindi pa nanunumbalik ang lakas niya. Nararamdaman pa niya ang epekto ng drug sa kanyang katawan. Si Kiel ay umupo sa silyang katapat ng inuupuan niya.

"Ang mga lalaking iyon..." She pointed out the men that strategically placed along the beach at sa mga punong-kahoy at puno ng niyog malayo sa baybayin. "sa palagay mo ba'y mapipigil ako ng mga iyon sa pagtakas?"

"Hindi ako nag-iisip na makakatakas ka," he said confidently. Inulit lamang nito ang sinabi ni Luke.

"You should be, dahil iyon ang gagawin ko sa unang pagkakataong makasilip ako!"

"Aleya, Aleya—para kang magnanakaw na nagsasabi sa may-ari ng bahay na pagnanakawan niya ito," he said amusedly.

He was speaking her name so softly that she wondered if he was aware of it. Siguro. Upang ikalma siya. But she wouldn't buy it.

"Wala siguro ako sa wastong kaisipan dahil sa drug na itinurok mo sa akin," aniya, matalim ang tinging ipinupukol kay Kiel. "Again, why? It doesn't make any sense. You said it wasn't for money. Then why am I here?"

Kumunot ang noo ni Kiel nang bahagya. "Wala kang ideya?"

"Not a clue. At hindi kita pipiliting sagutin mo ako kung alam ko."

"Mahirap paniwalaang hindi mo alam."

"Damn it!" she hissed. "Wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi. Ang mahalaga sa aki'y sabihin mo ang dahilan. You said it's not money, then what is it? And don't tell me that from a distance you suddenly developed this undying passion for me at nagpadesisyunan mo sa sandaling iyon na kidnap-in ako para sa sarili mo! Because I won't believe that for one moment!"

Napangiti si Kiel doon. He was genuinely amused. Hindi siguro tumitingin sa salamin ang babaing ito. Or she was just not vain unlike other women he knew.

Sa loob ng dalawampu't apat na oras na minamatyagan nila si Aleya, hinihintay na mapalayo sa karamihan, ay naintriga siya.

Before he snatched her, he'd seen the sexy picture she made as she strode through the beach with his tight-fitting jeans ang tank top. Without any make-up and uncaring if her hair was wildly tossed by the wind.

And now, though she was wearing an oversized T-shirt yet the garment didn't hide her shapely body and the curves of her breasts.

Aleya was a very alluring woman.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now