CHAPTER EIGHTEEN (10) - Last Part

3.2K 101 16
                                    


NANG muling sulyapan ni Aleya si Flavio ay humakbang ito palapit. Kumikislap ang mga mata nito sa pamilyar na obsesyon at paghahangad sa kanya.

She wanted to run as fast as she could away from him. Pero tila ipinako siya sa pagkakatayo.

Nakangiting inilahad ni Flavio ang kamay sa kanya. "I'm here now to get you, Aleya."

She was so afraid subalit hindi kailangang makita ni Flavio iyon. Sa naniningkit na mga mata'y itinuon niya ang paningin kay Margo.

"You betrayed Kiel!" galit niyang akusa. "How could you betrayed them?"

Isang paismid na ngiti ang bale-walang pinakawalan ni Margo. "Ikaw lang ang kailangan ni Flavio, Aleya. Bakit kailangang pahirapan ko ang mga bagay-bagay at naising maraming masaktan nang dahil sa iyo?"

"Kiel and Luke would kill you for this!"

"Iyan ay kung malalaman nila," wika nito na sinulyapan si Flavio. "He promised to hurt no one basta maituro lamang kita sa kanya at maialis sa ranchong ito nang ligtas."

"Paano mong nagawa ito, Margo? This man killed your sister!"

"Half sister which I didn't really care that much." She sneered. "Inagaw ni Karla ang atensiyon ng ama ko mula sa akin. Then got so lucky when she married Kiel." Pagkuwa'y tumalim ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya. "Besides, matagal nang nangyari iyon. Apat na taong mahigit na."

"Let's go, Aleya," si Flavio. "Naghihintay ang Mama mo sa atin. She's so worried about you."

Sandali siyang natigilan pagkarinig sa pangalan ng ina. Subalit sandali lang iyon. Marahas siyang umiling.

"No! Hindi ako sasama sa iyo, Flavio! You can't use my mother this time."

Kumunot ang noo ni Flavio. Tila hindi mapaniwalaang marinig sa kanya iyon.

Mula sa pinanggalingan ng mga ito'y isa pang lalaki ang lumitaw. Tauhan ni Flavio at may armas na nakatutok sa kanya.

"Your man's pointing his gun at me!"

"What?" Nilingon ni Flavio ang tauhan at galit na inutusang ibaba ang sandata. Agad namang sumunod ito. "Now, let's go, Aleya. Wala tayong oras." Muli nitong iniabot ang kamay sa kanya.

"Paano kayong nakapasok dito?" She was buying time. Kahit ano ang mangyari'y hindi siya sasama kay Flavio. "Napapaligiran ng mga tauhan ang buong bahay."

"Not the secret basement door, darling," si Margo, smiling. "Hindi iisipin ni Kiel at Luke na may gagamit ng sekretong daan sa basement palabas. Ang ibabaw niyo'y puro mga paso ng halaman." Pagkuwa'y tumalim ang mga mata nito. "Now, Aleya, go with him bago pa bumalik si Kiel. Hindi mo gustong masaktan siya, 'di ba?"  


SA loob ng silid ni Kaila ay nagising ang bata sa ingay mula sa labas ng pinto nito. Agad itong bumangon nang marinig ang tinig ni Aleya.

"Hindi ka maaaring lumabas, Kaila," mariing pigil ni Anita sa braso ng alaga. Hindi ito tulog at kanina pa nito naririnig ang usapan sa labas. Halos hindi rin ito humihinga sa takot.

"No!" Iwinaksi patulak ng bata ang yaya at mabilis na tinakbo ang pinto. At bago pa napigilan ni Anita'y tuloy-tuloy nitong binuksan ang pinto at lumabas.  


"KAILA!" sindak na bulalas ni Aleya nang sumungaw ang bata mula sa pinto ng silid nito. In her pajamas.

"Aleya? Aunt Margo? What is wrong? Who are these men?"

"Go back to your room, Kaila!" Aleya shouted at the top of her voice so the girl could hear her. "Now!"

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon