CHAPTER SEVENTEEN (9)

1.8K 50 0
                                    


NAGSISIMULA nang kumalat ang dilim sa buong rancho at paikot-ikot sa silid niya si Aleya. Ang hapunang ipinapanhik niya sa isa sa mga katulong ay nanatiling nakatakip sa mesita at hindi niya magawang tingnan man lamang.

Isang oras mahigit na ang nakalipas mula nang huli silang mag-usap ni Kiel. Halos mabiyak ang dibdib niya sa matinding kaba at tensiyon. Anumang oras ay inaasahan niyang may maririnig siyang putok ng mga baril.

Nang bumukas ang pinto niya at sumungaw si Kiel ay halos pasigaw ang tanong niya sa matinding tensiyon.

"What happened? Bakit ngayon ka lang? Nasaan na si Flavio?"

"Sampung minuto na ang lumipas mula nang umalis sa Fort Ilocandia ang tatlong sasakyan. It would take more than four hours bago sila makarating dito."

"Pero si Flavio? May nakakita ba sa kanyang sakay ng isa sa mga sasakyan?"

Umiling si Kiel. "Honestly, walang report na nakitang sumakay si Flavio sa tatlong sasakyan. But he was seen by one of our men na nag-check in sa Fort Ilocandia kanina."

"Oh, god!" bulalas ng dalaga. "Ang sabi mo'y—"

"Calm down, sweetheart," banayad na putol ni Kiel sa sinasabi ng dalaga. "Ang sabi ko'y hindi sila makakapasok sa rancho nang hindi namin malalaman."

Subalit hindi makuhang ikalma ni Aleya ang sarili. Flavio ruled her life for years at hanggang sa mga sandaling iyo'y hindi pa rin niya maalis na huwag matakot.

"Come here," ani Kiel at inilahad ang mga bisig at pumaloob doon ang dalaga.

"Stay with me, Kiel," she whispered. She wouldn't make it through the night kung mag-iisa lang siya sa silid na iyon. "Kahit sandali lang."

"I am not going anywhere." Mahigpit siya nitong niyakap at hinagkan sa ibabaw ng ulo. "Alam ni Luke na naririto ako at dito niya ako hahanapin." Inakay siya nito sa kama.

Tinanggal lang ni Kiel ang jeans nito at humigang kasama si Aleya sa kama. Sa isang napakatagal na sandali'y walang usapang namamagitan sa dalawa. Kontento na si Aleya na nasa mga bisig ni Kiel. Nakatalikod siya rito at nakayakap ito sa kanya.

Walang natatandaan si Kiel na nagkaroon ng ganitong damdamin sa isang babae. He had never known how a woman could get beneath his skin and fill up his heart... his whole senses. Tulad ng ginagawa ni Aleya sa kanya.

Patuloy sa paglipas ang mga sandali. Alam nito na anumang oras ay tatayo ito at haharapin ang dapat harapin. But he couldn't do that without taking her again. If only for the last time.

He softly caressed her breast. He was rewarded by a soft sleepy moan.

"I want you, Aleya... I need you so much," he whispered as he gave her shoulder one sweet bite.

"I want you, too," sagot ng dalaga.

Banayad na itinaas ni Kiel ang damit ng dalaga and slid her briefs down. Aleya made the job easy by helping him.

Hindi binago ni Kiel ang posisyon nilang dalawa. As if to move would take so much precious time away from her. With a hand on her hips he eased into her tightness gently until he couldn't go any deeper.

And only to realize even more that he couldn't get enough of her.  


IT WAS pure bliss being in Kiel's arms. Kung maaari lang manatili sa mga bisig nito sa habang-panahon. Nang magmulat siya ng mga mata'y nakatitig sa kanya si Kiel.

"How long have you been staring at me?" she asked softly.

He smiled. "A lifetime. I want to preserve the memory of you in my mind."

Memory. Why memory, Kiel, when I could be here with you forever if you want me to. Ang sakit ng damdamin ay gumuhit sa kanyang mga mata na agad niyang ibinaling ang mukha upang huwag makita ni Kiel ang nakapaloob doon.

He didn't promise her anything. Only safety from Flavio's hands. But she wanted more than just safety. Gusto niyang ipangako ni Kiel sa kanya ang bukas... ang habang-panahon.

Tumunog ang telepono sa ibabaw ng night table. Agad iyon dinampot ni Kiel sa kalagitnaan ng unang ring.

"Yes..." May kung ilang sandaling hawak nito ang phone na hindi nagsasalita, bago, "Nandiyan na ako..." Ibinalik nito sa cradle ang telepono at mabilis na bumangon.

"W-what?" si Aleya na ang kaba'y halos magpabasag sa dibdib niya.

"Isang yate ang nakita sa laot. Walang ilaw." Mabilis nitong isinuot ang pantalong maong. At pagkatapos ay inabot ang shirt at habang ibinubutones iyo'y yumuko at hinagkan si Aleya sa mga labi. "Maipapangako mo ba sa aking hindi ka lalabas ng silid mo?"

Tumango siya. At may pakiramdam siyang gustong maparalisa ng buong katawan niya.

"Kiel... mag-iingat ka."

"I will. Ikandado mo ang pinto mo paglabas ko." Tinitigan siya nito nang may kung ilang sandali.

"B-bakit?"

Nagbuntong-hininga ito. "Nothing. Bolt the door."

Hanggang sa maisara ni Kiel ang pinto ng silid ay nanatiling nakamata roon si Aleya. She couldn't help the pounding in her ears, ganoon din ang matinding sindak na tila pumipilipit sa sikmura niya.

Maraming mga tauhan sa rancho si Kiel. Nakahanda sila ni Luke sa sandaling ito—upang mahuli si Flavio. Wala siyang dapat ikatakot at ikabahala.

Subalit hindi siya makalmante sa kaalamang iyon. Hindi darating si Flavio sa rancho nang hindi alam kung ano ang dadatnan. Kasintuso ng ahas ang stepfather niya.

At ang maghintay sa kahihinatnan ng mangyayari'y ang pinakamahirap na bagay na magagawa niya. Kailangan niyang tumayo at kumilos bago pa siya mabaliw sa pagtitig sa apat na sulok ng silid na iyon. O di kaya'y mamatay sa matinding tensiyon.

Bumaba siya ng kama at nagbihis. Ang takot na umiiral sa katauhan niya'y nagpapabagal at hindi nagpapatama sa mga kilos niya.

Pagkatapos makapagsuot ng jeans at T-shirt ay lumabas sa veranda si Aleya. She could see shadows moving quitely. Or was it her imaginations? Pumasok siyang muli sa silid at lumabas mula roon.

Nasa hallway na siya sa labas ng silid niya nang marinig ang mga putok. Napasinghap ang dalaga at nahinto sa paghakbang. Tila may malakas na dagok siyang naramdaman sa dibdib niya. Pagkatapos ay nauulinigan niya ang mga tinig ng kalalakihan sa di-kalayuan na tila nagkakagulo.

Sandali'y napuno ng kalituhan ang isip niya.

Saan siya pupunta? Ano ang gagawin niya?

To the basement! Kung saan naroroon si Kaila. She would feel safer there with her. Hihiga siya sa tabi nito at hintayin doon si Kiel.

Patakbo niyang tinungo ang hagdan pababa sa ground floor. The whole house seemed deserted. At mula sa glass door panel ay tila walang katapusang kadiliman ang nakikita niya. Bagaman alam niyang napapaligiran ang buong bahay ng mga tauhang ang mga anino'y nakatago sa dilim.

Patakbo niyang tinungo ang hagdanan patungo sa basement. Nasa pasilyo na siya patungo sa silid na inookupahan ni Kaila at Anita nang mula sa dulong pasilyo'y dalawang tao ang naaninag niya sa mapusyaw na liwanag ng hallway.

"Aleya."

Tila siya naestatwa sa pagkakatayo. Ang marahas na tinig na iyon ni Flavio'y tila kulog sa pandinig niya. She blinked twice bago tuluyang luminaw ang dalawang tao sa dulo ng pasilyo. Itim ang suot nito. Tila kapote na nakabalot sa katawan. Subalit nang alisin nito ang plastic hood at ngitian si Aleya'y ganoon na lang ang pagsisikap niyang huwag umikot ang paningin.

Pagkatapos ay inilipat niya ang tingin sa katabi nito.

Si Margo.

She reached for the wall at umamot doon ng lakas.


                                                             **********

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now