CHAPTER SEVEN

1.7K 53 1
                                    


INABUTAN ni Aleya na naglalaro ng mga stuff toy si Kaila nang silipin niya ito sa silid ng bata. Nag-angat ng ulo si Kaila nang maramdaman ang presensiya niya.

"Oh, you came!" kumislap ang mga mata nito at ngumiti.

Pumasok si Aleya at lumakad patungo sa kinaroroonan ni Kaila. Dahan-dahang umupo sa harap ng bata. Dinampot ang isang stuff toy. Kunwa'y sinipat-sipat.

"She's cute. Does she have a name?" aniya.

Subalit nanatiling nakangiti ang bata at nakatitig lamang sa kanya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Aleya. Parang may pumiga sa puso niya. She wanted to reach for the child and hugged her. She wanted to tell her that everything would be all right. Na makaririnig ito nang maayos sa sandaling madala sa ibang bansa.

Pagkuwa'y tumigas ang mukha nang maisip kung sino ang may kagagawan sa naging pinsala ni Kaila. Alam niya ang ilan sa mga kasamaan ni Flavio, subalit ang pumatay ng buong pamilya'y hindi niya kayang tanggapin sa isip.

"Y-you're angry..." wika ng bata sa maliit na tinig nang makita ang anyo niya.

She shook her head frantically and forced herself to smile. "Oh no, sweetheart," she said a little bit louder and moved to her right. "I said this one is cute and if she has a name..."

Muling bumalik ang ngiti sa mga labi ng bata. "Yes. She's Betty, she's my favorite and she sleeps with me."

"Oh. And she must be sharing your pillow, too."

She giggled. "No. I embraced her." Dinampot nito ang isang stuff toy na sa tingin ay tila galit at nakasimangot. "And this is Marge." Pagkuwa'y inilagay sa bibig ang forefinger. "Sshh... my yaya gave the name. After my Aunt Margo. She's so masungit," she almost whispered, giggling at the same time.

"Oww!" Aleya couldn't help laughing softly. Naalala niya ang matalim na tinging iniwan sa kanya ni Margo kanina bago ito umalis.

Inabot ni Kaila ang isang malaking stuff toy sa may paanan ng kama. "This one has no name yet. My daddy bought this when he went to Manila. Now I know what to name her."

"Really? And what should we call this pretty lady here?" Sinipat ni Aleya ang magandang stuff toy.

"Hmm...Leya. After your name," nakangiting sabi ni Kaila at tinitigan siya. "She's pretty like you... no, you're prettier. And from now on, she will be my favorite and would sleep with me, too."

"Oh, thank you, sweetheart." Hindi niya napigilan ang sariling abutin at yakapin ang bata. Yakap na hindi nagtagal dahil sa isang tikhim mula sa may pinto. Parehong napalingon ang dalawa.

"Ano ang ginagawa ng anak ng kaaway sa silid ng pamangkin ko? Alam ba ni Kiel na narito ka? O inabuso mo ang kalayaang hindi ko maintindihan kung bakit ipinahihintulot ni Kiel sa iyo?" si Margo na nasa pinto at nakakrus ang mga kamay sa dibdib.

Wala sa loob na umusog si Kaila palapit kay Aleya at humawak sa kamay ng dalaga. Aleya held her tiny hand firmly.

"She's angry again," bulong nito.

"Alam ni Kiel na naririto ako, Margo," mahinahon niyang sabi.

"Alam!" umangat ang mga kilay ni Margo. "Alin na lang sa dalawa, nagsisinungaling ka o nasisiraan na talaga ng ulo ang taong iyon upang ilapit ang anak niya sa iyo? You're not a guest here, Aleya. You are a hostage and must be confined to a room!"

Halos pasigaw ang huling sinabi ni Margo. Napatingala kay Aleya si Kaila.

"What does she mean by... by h-hos——" Hindi nito mabigkas ang salita.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now