CHAPTER NINE (1)

1.7K 50 2
                                    


"GOOD morning."

Kasabay ng pagbaba ng tasa ng kape niya sa platito'y napalingon si Aleya sa pamilyar na tinig. Si Kiel at humakbang patungo sa mesa.

Basa pa ang buhok mula sa pagligo. Kiel really was the best-looking man she had ever seen. In blue faded jeans that hugged his thighs and legs like a second skin.

Nagmamadali marahil ito dahil hindi nito naisara ang ilang butones sa shirt nito. O talagang sadyang hindi nito isinasara iyon. And it gave her a hint of the male beauty of his torso.

But then, she had seen his body last night, hadn't she?

He smiled at her. Hinila nito ang silya sa tapat niya at umupo. Sinalinan nito ng kape ang tasa. Tinimplahan iyon.

"Nakatulog ka ba nang mahimbing? Has my pillow made you comfortable?" he asked casually after he sipped from his coffee.

"Yes, thank you," simpleng sagot niya. Kumportable siyang umiinom ng kape kanina bago dumating ang lalaki. Kung bakit bigla siyang nailang nang dumating ito'y hindi niya alam.

"Kailangan bang tamang unan ang gamitin mo upang makatulog?" There was a hint of amusement in his voice.

Bahagyang tumango si Aleya. She couldn't tell why those eyes made her uncomfortable. Ganoon ma'y gusto niyang sabihin kay Kiel na hindi lang unan ang dapat na kumportable siya, kailangang lahat sa paligid niya'y kumportable siya upang makatulog. But she couldn't tell him that and elaborate.

"Kinausap ko na si Elena ngayong umaga. Sinabi kong kausapin ka at tanungin kung ano pa ang mga bagay na kailangan mo upang maging kumportable." His voice gentle at naroon ang sinseridad sa gustong mangyari.

At hindi gusto ni Aleya iyon. Gusto niyang kamuhian ang lalaking ito sa pag-kidnap sa kanya.

"Inaasahan mong magiging komportable ako bilang hostage mo?" she said sarcastically. "If you think I would feel that way, then you are out of your mind, Mr. Montañez." Galit at wala sa loob na inabot ang maple flavoured syrup at naglagay sa pancake niya.

"Kung ninais kong ikulong ka sa silid mo o alinman sa tatlong silid sa basement ay magagawa kong madali. And then feed you with water and bread. Pero hindi iyon ang ginawa ko, Aleya..."

"And I suppose I should thank you for that?" she said sarcastically.

Umiling si Kiel. And in a weary tone, "No. Hindi ko inaasahan iyon." Pagkuwa'y huminga ito nang malalim. "Ilang araw lang, Aleya. It wouldn't even take a week. I should hope so. Others would have considered it as a vacation."

Hindi kumibo si Aleya. She toyed with her food. Totoo ang sinabi ni Kiel. Magagawa nitong ikulong siya. Subalit maliban sa kaalamang naroon siya bilang hostage, iisipin ng sino mang nakakakita sa kanyang mga taga-rancho na naroon siya bilang nagbabakasyon.

Nag-angat siya ng mukha. "Alam ba ng lahat ng mga taga-rancho kung bakit ako naririto?"

"Lahat ng mga naririto sa bahay na ito at ang mga nakikita mo sa labas, of course, maliban kay Kaila at kay Anita. Ang mga trabahador ay may sariling mga bahay sa ibang bahagi ng rancho na malayo rito."

"Pag-aari mo ang buong rancho? Gaano kalaki ang lupaing nasasakupan nito?" she asked purposedly.

She heard him chuckled softly. Nahuhulaan nito ang tinutumbok ng tanong niya.

"Kung gagamitin ko ang salita ng mga matatanda, ang lupaing ito ay hindi maliparan ng uwak, Aleya. Kulang ang isang araw upang maikot mo ang buong rancho. Luke and I owned this ranch."

Nag-init ang mukha ni Aleya sa marahang tawang iyon. Dineretso ang tanong.

"Okay, sabihin mo sa akin kung paano ako makakatakas sa ranchong ito?"

Amusement crossed his eyes. "There are three ways. By air, by sea and by land. May yate at mga bangkang de-motor ako. Subalit hindi ka makakalapit man lang sa mga iyon. Bukod sa laging may mga matang sumusubaybay sa iyo sa sandaling lumabas ka ng bahay, those boats are heavily guarded."

"I see."

"Kung sa pamamagitan naman ng ere, I have an airfield situated at the highest point of this land. I have two choppers. The airfield could even land small planes. But I doubt kung makakarating ka man lang sa paanan ng airfield. Sa lupa naman, may mga sasakyan at kabayo. But you don't know your way. You will definitely get lost.

"Ang normal na travelling time from the ranch to the main highway is almost two hours, iyon ay kung alam mo ang daan at kung makararating ka kahit sa alinmang sasakyang pag-aari ko. Kung paanong hindi ka kaagad nakalapit sa akin nang unang magising ka. At hindi ka marunong mangabayo, Aleya. I am sure of that. At tinitiyak ko sa iyo, walang mag-iiwan ng susi sa alinmang sasakyan... by mistake."

Ni hindi namalayan ng dalaga na durog-durog na sa harap niya ang pancake na wala sa loob niyang pinaglaruan ng tinidor. Nakaramdam siya ng panlalamig sa buong katawan.

The possibility of escaping was remote. Buong buhay niya ay ipinakipaglaban niyang huwag makulong, literal man iyon o hindi. Only to end up as captive and she couldn't do anything about it.

Naiipit siya sa dalawang taong parehong mapanganib. Isa'y ang sapilitang nagdala sa kanya sa lugar na ito upang gawing pain. At ang isa'y responsable sa pagpatay ng isang buong pamilya.

At ngayo'y nawalan siya ng kontrol sa sarili niyang buhay at pagkatao. Kiel had taken it from her. Anuman ang kasalanang ginawa ni Flavio sa mga Montañez ay walang karapatan si Kiel na gamitin siya sa paghihiganti nito.

At sinisikap niyang labanan ang takot at panic na lumulukob sa buong katawan niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kiel sa iba't-ibang emosyong naghahalili sa mukha ng dalaga. Nangingibabaw ang takot na pilit sinisikil ni Aleya. He reached out for her hand.

"Believe me, Aleya," he said softly. "Hindi ko gustong masaktan ka. Hindi ko nais na masuklam ka sa akin dahil sa gagawin ko sa taong itinuturing mong ama. Pero hindi ko magagawang iurong ang lahat ng ito. Isa lamang ang maipangangako ko sa iyo, hindi ka masasaktan sa sandaling magtagpo ang landas namin ni Flavio... physically, at least."

You couldn't know that, Kiel...


                                                                   **********

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now