CHAPTER SIXTEEN (8)

1.9K 53 2
                                    


KIEL closed his eyes tightly. He could guess what was coming at hindi nito gustong marinig iyon. But he couldn't tell her to stop. Not when she was opening up.

"H-he woke me up... woke me up with ugly and obscene words I never thought and dreamed I would hear from him. Nang magising ako'y madilim at naramdaman kong dinadama niya ang buong katawan ko." Her voice quivered and her body trembled. "I would have screamed but I was too shocked that no voice came out from my throat. The things that he was telling me was awful and ugly..."

Kinabig ni Kiel ang dalaga nang mahigpit. Hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. Wanting to give her the comfort and security his arms could offer.

"Aleya, I'm sorry," he whispered. "I am so sorry..."

"I-I climbed out of my bed so fast and ran to my study table. I remembered that the cutter I used for my school project was there...."

 

"ALEYA, honey... come to Papa, sweetie..."

"Go away! Go away!" she shouted. Humigpit ang hawak sa cutter.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay natanto ng dalagita na hindi lang miminsang pagkakataong maaari siyang pinagmamasdan ni Flavio mula sa dilim. May mga gabing nagigising siyang tila may nagmamasid sa kanya mula sa dilim. Tila may nakatagong anino mula roon.

"I love you, sweetie pie. I won't hurt you, you know that. Don't be afraid, honey," ani Flavio sa banayad at nanggaganyak na tinig.

Tinatawid nito nang dahan-dahan ang distansiyang nakapagitan sa kanila. Whispering assurances kasabay ng masasagwang salitang gustong magpabingi kay Aleya. Ang anino nito'y tila halimaw sa dilim sa paningin at pakiramdam ng dalagita.

"H-huwag kang lalapit...." Humakbang siya paatras subalit patuloy ang anino sa paglapit. At nang akma siyang hahawakan ay itinaas ni Aleya ang kamay at inihalibas ang cutter sa anino.

Napasigaw si Flavio at mabilis na umatras at dinukwang ang lampshade at binuksan ang ilaw. Nakita ni Aleya ang dugong gumuhit mula sa hubad nitong dibdib.

Hindi naman siya ganoon kalakas upang makagawa ng talagang pananakit subalit matalim ang cutter at humiwa iyon sa laman ni Flavio.

Nanlaki ang mga matang binitiwan niya ang cutter na may bahid ng dugo at tinakbo ang pinto at lumabas. She was crying and so scared. She ran to her mother's room, turned the light on and woke her up.

"Aleya?" naalimpungatang sabi ng ina.

"M-mama..." Pumanhik sa kama ang dalagita at humagulhol ng iyak sa pagkamangha ni Criselda.

"W-what's wrong, darling?"

At bago pa makapagsalita ang dalagita'y lumitaw sa pinto si Flavio. At nang makita ni Criselda ang sugat sa dibdib ng asawa'y napabangon itong bigla.

"What happened to you?" she asked worriedly.

He smiled patiently at masuyong sinulyapan si Aleya. "Pagdating ko'y sa bar ako tumuloy, darling, nagsasalin ako ng alak at dala ko iyon patungo rito sa silid natin. Nang mapatapat ako sa silid ni Aleya'y naulinigan kong tila sumisigaw ang anak mo mula sa silid niya. Natural, pinasok ko siya upang alamin kung ano ang nangyayari. Nananaginip ang anak mo at nang ginigising ko'y bumalikwas ng bangon at inabot ang cutter—" Niyuko nito ang sarili. "Heto ang nangyari..."

"Aleya!" bulalas ni Criselda sa anak.

"Calm down, darling. Hindi sinasadya ni Aleya iyon. She was having a nightmare. Weren't you, sweetie pie?"

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now