CHAPTER THIRTEEN (5)

1.8K 47 1
                                    


HINDI niya gustong imulat ang mga mata subalit mas mapilit ang pagtawag ni Kiel sa pangalan niya. Commanding her to obey him. With so much effort, she opened her eyes upang masalubong lamang ang matinding pag-aalala sa mukha ni Kiel.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" Wala sa loob na dinama niya ang ulo. At nararamdaman niyang kumikirot iyon.

"Gusto kitang makausap at nang hindi ka sumasagot sa katok ko'y binuksan ko ang pinto. Narinig ko ang ungol mo mula sa banyo." Gently, he touched the swell on her forehead and the small cut. "Ano ang nangyari?" magaspang nitong tanong. Kabaligtaran sa banayad na haplos ng kamay nito sa noo niya.

"N-natumba lang ako. I'm okay..."

"You are not! Aleya, tinakot mo ako!"

She looked up at his ashen face. Hindi niya mapaniwalaan ang pag-aalala sa tinig nito. Pero may katwirang mag-alala sa kanya si Kiel. She was too important to him.

"I'll live, Kiel," she said sarcastically, pilit na iniinda ang kirot sa noo niya. "Magagamit mo pa ako para kay Flavio."

Sunod-sunod na litanya ng mura ang narinig ni Aleya mula rito. Sinikap niyang bumangon nang bigla'y manlaki ang mga mata niya. She was naked!

"Oh!" And realized she was in her bed. "A-ano'ng—" Umiikot ang mga mata niya sa paghahanap ng maipantatakip sa katawan. Sinisikap niyang hilahin ang pang-ibabaw na bedsheets subalit wala siyang lakas.

"Binuhat lang kita mula sa banyo," ani Kiel at hinila nang malakas ang makapal na coverlet at itinakip sa katawan niya.

"M-magbibihis ako."

"Oh, god, Aleya," si Kiel na nakatunghay sa kanya. Iniinspeksiyon ang mukha niya. Ang isang kamay ay banayad na humahaplos sa noo niya. "Kung hindi ako pumasok agad ay baka—"

Gasino na niyang naririnig ang sinasabi nito. Ang buong atensiyon niya'y nasa kaalamang wala siyang saplot nang buhatin ni Kiel at dalhin sa kama. Nakadagdag iyong lalo sa kirot ng ulo niya.

Bahagya siyang napaungol sa sakit ng ulo.

"Dammit, Aleya, nasasaktan ka! Ano ba talaga ang nangyari?" ulit nito sa nag-aalalang tinig.

"Walang anuman ito, Kiel..."

"Right," he muttered angrily. "Huwag kang tumayo riyan. May kukunin lang ako."

Tinungong muli ni Kiel ang banyo at hindi nito mapigilan ang tila pag-ikot ng sikmura. Napasukan nitong nakadapa sa paanan ng toilet bowl si Aleya at nang buhatin nito at itihaya'y nakita nitong may dugong umaagos sa noo niya. She could have killed herself kung napasama ang bagsak ng dalaga. Hindi nito maawat na murahin at sisihin ang sarili.

Mula sa medicine cabinet ay kinuha nito ang dapat kuhanin at mabilis na bumalik sa dalaga. Ang bigat nito sa kama'y bahagyang nagpauga kay Aleya, she groaned.

"Oh, god, I'm sorry, Aleya."

"Bumagsak ako," usal niya. "Hindi mo ako itinulak. Don't blame yourself."

Pinunasan nito ng bulak na may alcohol ang natutuyong dugo sa paligid ng noo niya. Inihagis na lang basta sa sahig ang ginamit at muling nagbasa ng bulak. Napaungol si Aleya sa hapdi.

"Kailangan mong madala sa ospital. You might have a concussion," Kiel muttered gruffly.

It took her an effort to shake her head. "No. Maliit na sugat lang iyan at—"

"Marami ang dugong nakita kong nagmumula sa sugat mo kanina. Pinunasan ko lang ng tuwalya," ani Kiel sa banayad na tinig. But he was angry. "And you were unconscious—but, yes this is just a small cut—" Nilagyan nito ng povidone-iodine ang bulak at inilagay sa sugat niya. "Pero maraming dugo ang—"

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Where stories live. Discover now