CHAPTER TEN (2)

1.6K 51 2
                                    


"THIS IS the fourth day," si Kiel nang malingunan ang paglabas ni Luke sa veranda. "Natiyak mo bang natanggap na ni Flavio ang mensahe?"

"Positive. All we have to do is wait," sagot ni Luke.

"This is the part I hated most," patuloy ni Kiel. Dinala sa bibig ang goblet na may lamang alak. Took one swallow. "The waiting. Trying to guess what would Guillermo do first."

"Iyan din ang nararamdaman ko," si Luke, grimacing. "Pero nakahanda tayo riyan. Ang mga tauhan sa pier sa Maynila at sa iba pang daungan ay nakahanda. Ganoon din ang mga nasa airport. We would know kung kailan siya darating..."

Hindi sumagot si Kiel. Muling dinala sa bibig ang goblet at inubos ang laman nito.

Sinulyapan ni Luke ang relo sa braso. Alas-dos pa lang ng hapon. Unusual para kay Kiel ang uminom ng alak sa ganitong oras. Gaano man ang tensiyon ng sirkumstansiya.

"Something's bothering you. What is it?"

"Si—si Aleya." He filled his lungs with air. "Hindi ko kayang isipin na ang isang tulad niya'y stepdaughter ni Flavio. Hindi siya ang inaasahan kong dadalhin natin dito."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I was expecting a brat. Someone who's spoiled and hysterical."

Nagkibit ng mga balikat si Luke. "Well, she wasn't his own flesh and blood, iyon marahil ang dahilan."

"Does it matter? Ama pa rin niyang maituturing si Flavio. Sa sambahayan nito siya lumaki at nagkaisip. Her stepfather gave her the world... sent her to the best school in Switzerland... lived in an exclusive and expensive dormitory."

"At ano ang nakikita mo sa kanya?" Luke asked with intent curiosity in his eyes.

"Innocence... vulnerability." Hindi nito idinagdag ang takot na tuwina'y nakikita sa mga mata ni Aleya dahil natural lamang na matakot ang dalaga sa kalagayan nito sa kasalukuyan, at sa kaalamang anumang oras ay masasaktan kung hindi man mamamatay si Flavio sa kanilang mga kamay.

Kumunot ang noo ni Luke. "Ipagpalagay na. Pero walang mababago, Kiel." Luke's voice became hard. There's a hint of warning. "Look, sa sandaling matapos ang lahat ng ito, makababalik siya sa kanila. Unharmed... unscathed."

"And angry as hell because we've killed her stepfather."

Tinitigan ni Luke ang pinsan. He couldn't believe it was Kiel talking. Ilang sandali ang pinalipas. Then he said quietly.

"Higit pa roon ang naramdaman natin nang mamatay ang mga mahal natin sa buhay."

"Wala siyang kinalaman doon."

Lalo nang lumalim ang kunot sa noo ni Luke. "Ano ang nangyayari sa iyo? Bakit pinahihirapan mo ang sarili mo sa bagay na iyan? It isn't like you. Isang tambak na impormasyon ang hawak natin kay Flavio Guillermo at napag-alaman nating iisang tao lamang ang maaari niyang pagbuwisan ng buhay—si Aleya."

"It is just—" he paused. "I don't want her hurt."

"Hindi maiiwasan iyon, Kiel. You know that."

"Yeah." Ibinaba nito ang walang lamang goblet sa mesa. "Sabihin mo sa mga taong huwag hiwalayan ng tingin si Aleya saan man magpunta," bilin niya bago tumalikod.

Nanatiling nakakunot ang noo ni Luke habang sinusundan ng tingin ang pinsan.  


MULA sa veranda'y pinagmamasdan ni Aleya ang unti-unting paglubog ng araw. It was breathtaking. Nagkaroon ng iba't ibang kulay ang dagat dahil sa repleksiyon nito. Ang buong paligid ay tila paraiso. Natatanaw niya ang mga naggagandahang bulaklak at mga halaman, nagtatayugan ang mga puno ng niyog at mga punong-kahoy. Ang mga mumunting alon ay banayad na humahalik sa dalampasigan.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang