CHAPTER FOURTEEN (6)

1.9K 53 3
                                    


ALEYA was moaning in her sleep. Alam niyang nananaginip siya. Iyon at iyon din ang panaginip niya since she was thirteen. At tuwing mangyayari iyon ay hindi niya mapigilan ang paulit-ulit na takot.

Madilim. Hindi siya makahinga. Tinatakot siya. May anino sa tabi niya... may mga sinasabi. Mga masasamang salita... and she was so scared. Kailangan niyang itaboy ang anino. She hated the awful and ugly words he was whispering her.

Then she remembered the cutter. Nasa ibabaw ng study table niya iyon kasama ang paste at cartolina at iba pang gamit niya para sa project sa escuela.

She pushed the shadow with all the strength of a twelve-year-old, mabilis na bumaba ng kama. Kahit madilim ay kabisado niya kung nasaan ang study table niya. Kinapa niya ang cutter. Humigpit ang hawak niya roon. Alam niyang hindi niya naibalik ang talim niyon kagabi.

Puno ng dugo ang cutter... she didn't want to use it... but he made her use the cutter... she had no choice! Umiiyak siya... inihagis niya ang cutter sa sahig... she ran across the room to the door... she ran fast!

"No!" sigaw ni Aleya kasabay ng pagbangon. Humihingal at nahahapong napasandal siya sa headboard. Kung ilang beses tumaas-bumaba ang dibdib niya sa takot.

Bakit ayaw siyang tigilan ng panaginip na iyon?

Hindi madilim dahil hindi pinatay ni Kiel ang ilaw nang lumabas ito kanina. Still, she was afraid. Pabalikwas niyang tinabig ang kumot at bumangon. Lumabas ng silid at sa tiyak na mga hakbang ay dineretso niya ang silid ng lalaki.  


NARINIG ni Kiel ang pagbukas at muling pagsara ng pinto ng silid nito. Sa bahagyang liwanag ng buwan na pumapasok sa French windows ay nakita niyang nakatayo si Aleya sa may paanan ng kama. Like a magical manifestation of his desire.

"Aleya?"

"I—I'm scared..." she said sobbing.

Kiel was her enemy. He made her hate him.

Subalit hindi miminsang kay Kiel siya tumatakbo kapag natatakot siya. He exuded strength and warmth. Iyon ang kailangan niya sa mga sandaling iyon.

Pumanhik siya sa kama nito at dumeretso sa mga bisig ng lalaki na wari'y nakahanda at nakalaan para sa kanya sa lahat ng pagkakataon.

"Hush, sweetheart," Kiel said. His lips were brushing her temple softly. Ang isang kamay nito'y banayad na humahaplos sa buhok niya. Nag-iingat na huwag madaanan ang sugat niya sa noo. "What is it? What is wrong?"

"N-nothing. Just a dream that wouldn't go away." She was still sobbing but the tears subsided. "I want to sleep here... with you."

"Aleya..." He swallowed. "Do you know what—"

"Yes." Her voice, though still laced with fear, was sure. Her heart knew it all along that in the end she would submit herself to him.

"Aleya, please... don't do this to me. Kasusuklaman mo akong higit bukas." His voice was filled with agony, sinisikap pairalin ang katinuan ng isip sa huling pagkakataon.

"I won't, Kiel. Just make me feel safe tonight. If only for tonight..." She would deal with herself tomorrow. In the light of day.

Nasisiraan na marahil siya ng bait subalit kailangan niya si Kiel. Her captor and yet someone she could depend on. She was sure Kiel would drive her dragons away and yet he wouldn't stop at nothing to trap her stepfather. Kiel made her angry yet he also made her blood boil with desire.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Onde histórias criam vida. Descubra agora