CHAPTER FOUR

1.8K 58 1
                                    


MAG-UUMAGA na nang muling magising si Aleya. Nababanaag niya ang araw mula sa blinds ng mga bintana. At wala na rin ang pananakit ng ulo niya. At kumakalam ang sikmura niya. Nagugutom siya. Luke was right. Subalit hindi niya gustong intindihin iyon. Higit ang pagnanais na makatakas ang nasa isip niya.

Bumangon si Aleya. Nakaramdam ng pagkahilo. Sandali niyang pinalipas iyon bago tinungo ang tokador at tinitigan ang sarili sa malaking salamin.

Napangiwi siya. She looked like a ghost. Dinampot niya ang brush at anyong magba-brush ng buhok nang bigla siyang matigilan.

It was her own brush!

Niyuko niya ang tokador. Mga personal na gamit niyang lahat ang naroroon!

Wala sa loob siyang napalinga at napasinghap siya nang makitang naroon ang maleta niya. Maletang binili niya sa Cebu kasama ng ilang mga bagong gamit. Mabilis niya iyong nilapitan at binuksan. Naroroong lahat ang iilang mga gamit at damit niya hanggang sa underwears.

Galing sa cottage niya si Kiel Montañez! Inayos at inempake ang mga gamit niya—efficiently. And suddenly she was terrified.

Ang takot at galit ay magkasamang umahon sa dibdib ng dalaga. Sino ang lalaking ito? Why was she abducted? Ano ang nagawa niya? Nag-init ang sulok ng mga mata niya subalit pinigil niya ang mapaiyak. Mas pinili niya ang magalit.

Pahablot siyang kumuha ng tuwalya mula sa maleta at pumasok sa banyo. Hindi niya matiyak kung gaano na katagal ang suot niya. Kung ilang araw na mula nang sapilitan siyang kuhanin sa beach.

Kung sa ibang pagkakataon, she would have admired the spacious bathroom with its old rose, pink and maroon tile combinations. Pero wala siyang panahon doon. Abala ang isip niya sa maraming katanungan.

Tinimpla niya ang tubig sa bathtub at kung gaano siya katagal na naglunoy doon ay hindi niya matiyak bago siya lumabas at nagpalit ng jeans at T-shirt.

Then she headed for the door. Pinihit ang doorknob. To her surprised it wasn't lock. You can't escape. You will only end up hurting yourself. No. Hindi siya naniniwala roon.

Paglabas niya sa hallway ay wala ring tao. Siguro'y ganoon na lang ang tiwala ng mga itong hindi siya makakatakas. Nagtuloy-tuloy siya sa dulo kung saan ang liwanag mula sa sumisikat na araw ay naglalagos sa French door.

She didn't hesitate to open it and walked out onto a small terrace na sa dulo ay isang paikot na hagdanan pababa.

Malamig na hanging pang-umaga ang humaplos sa mukha niya. At natambad sa kanya ang walang katapusang berdeng tanawin. At pagkatapos niyon ay natanaw niya sa dulo pa roon ang asul na dagat. Looking down, she realized she was on the second floor.

Then she saw him. May ilang metro mula sa terasa. Sa ilalim ng isang palm tree. Tulad ng kung paano niya ito unang nakita, nakatanaw si Kiel sa karagatan na tila ba nag-aabang ng darating na unos.

Without any second thought, mabilis niyang tinungo ang hagdan at nagmamadaling bumaba at lumakad patungo sa kinatatayuan ni Kiel.

Subalit hindi pa siya nakalalayo sa hagdan ay may isang lalaking mahigpit na humawak sa mga balikat niya.

"Saan ho kayo pupunta, Miss?" magalang nitong tanong.

He was one of those men who were strategically placed around the place. On instinct, she reacted. Isang malakas na siko at malakas na sipa sa paa nito ang ginawa niya. And to her surprised, bahagya lang naapektuhan ang lalaki. Totoong naiwala niya sa mga balikat niya ang mga kamay nito at napahakbang paatras. Subalit hindi niya naitumba ito tulad ng inaasahan niya.

All-Time Favorite: Kiel Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon