CHAPTER 20

121 16 63
                                    

L A R I U S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

L A R I U S

   Dito kami sa living room dumiretsong apat pagkatapos naming kumain. Nakaupo ako sa single sofa at kaharap ko naman ang aking ama na nasa pang-isahang sofa rin. Si mom at Darius naman ay nasa mahabang sofa.

I gave them a “what-are-you-going-to-say-look.”

Napatingin sa akin si Dad, hindi ko alam kung tama ba ang aking nakikita pero tila nag-aalinlangan ito sa kaniyang sasabihin.

“What?” mahinahong tanong ko, gamit ang malamig kong boses, dahil wala pa rin ni-isa sa kanila ang nagsasalita.

Napabuntong-hininga si Dad bago nagsalita, “You’re going to marry the daughter of Mr. and Mrs. Rosales after this school year,” dire-diretso sabi niya sa ‘kin dahilan para matigilan ako, tila hindi nag-proseso sa utak ko ang sinabi nito. “Our company needs you, my son,” dagdag pa niya.

Pa’no si Samara?

Nang mabalik ako sa wisyo ay napakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao. Tumayo ako. “No!” matigas na sambit ko.

Our company needs me, ha? Pinauwi nila ako para rito?

“Kaunti na lamang ay babagsak na ang kompanya natin, Larius. Unti-unti ng nagsisi-alisan ang mga investors. Hindi ko na alam ang gagawin ko, anak.”

“Kaya naisip n’yong ipakasal ako?” sarkastikong tanong ko habang mariing nakatingin sa kaniya.

I saw again how he took a deep breath before staring at me straight in the eyes while still sitting on the couch.

“Nag-offer sa ‘kin si Mr. Rosales na tutulungan niyang umangay ulit ang kompanya natin kung maikakasal ang kuya mo sa anak niyang babae. . . Pero kasi. . . ayaw pa ng mommy mo na maikasal ang kuya mo dahil alam mo naman ang kalagayan n’ya ngayon, kaya ikaw ang naisipan namin ng mommy mo na ipakasal dahil alam naming kaya mo na. Pumayag naman si Mr. Rosales dahil ikaw din ang gusto ng anak nila.”

Did I heard it right? Si Darius ang dapat ipapakasal pero ako ang sasalo dahil sa kalagayan n’ya?

Natawa ako nang hindi makapaniwala.

“What did you say?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Ako ang gusto n’yong ipakasal dahil sa tingin n’yo kaya ko na? Are you fvcking kidding me?!” galit na sigaw ko.

“Larius, please. Kapag naging konektado sa ‘tin ang pamilya nila ay babalik ang mga investors at babalik sa dati ang kompanya natin,” mahabang paliwanag niya sa ‘kin at tumayo na rin siya para pantayan ako. Nangungusap ang mga mata nito. “Magiging malaking asset sila sa kompanya.”

“No.” Mas lalo kong tinigasan ang pagsasalita ko habang mariin siyang tinitignan. “Stop forcing me dahil hindi ko gagawin ang gusto n’yo.”

Sa tingin ba nila ay susunod ako sa gusto nila? Ipapakasal nila ako para lang lumago ulit ang kompanya. Tf!

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now