CHAPTER 01

2.6K 152 92
                                    

H E L L A R I A N

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

H E L L A R I A N

  Tahimik akong naglalakad dito sa corridor ng building, sa school. Patungo ako ngayon sa rooftop; gusto kong magpahangin. Bawat paghakbang ko, tanging tunog ng sapatos ko ang aking naririnig.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pants nang marinig kong tumutunog ito, hudyat na may tumatawag.

Gem calling...

Gem!bungad na bati ng matalik kong kaibigan, pagkasagot ko ng tawag, dahilan para mailayo ko ang telepono sa aking tainga dahil sa napakatinis na boses nito.

“Oh?” tipid na sagot ko.

Seriously? 'Oh' lang ang sasabihin mo? Nakakainis ka naman!” nagtatampong saad nito at alam ko, sa oras na ito, nakanguso na iyan.

Hindi pa rin nagbabago.

“Fine! I miss you!”

Hmp! Hindi ako marupok. I miss you too!

Walangya! Hindi raw marupok pero tumugon naman.

Bahagya naman akong napatawa ng mahina. “By the way, kumusta?”

Okay lang! Miss na kaya kita. Nakakainis! Dapat kasi sumama na ‘ko sa ‘yo nu’ng umuwi ka riyan sa Pilipinas,” rinig kong maktol niya na s’yang ikinatawa ko.

“Tch! So, bakit ka pala napatawag? Importante ba ‘yan?”

Malapit na—

Naputol ang kaniyang sasabihin nang mapahinto ako at nagsalita.

“Wait lang, gem!” ani ko, dahil may narinig akong ingay na nagmumula sa abandonadong classroom. Nakakunot ang kilay kong nilingon ang gawi ng silid na iyon.

Iniiling ko ang aking ulo makalipas ang ilang segundo dahil nawala ang ingay na aking narinig.

Tch. Baka guni-guni lamang iyon.

Itinapat kong muli ang telepono sa aking tainga habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa classroom na iyon.

“Ano ulit sasabihin mo?” tanong ko sa aking kausap.

Hala, gem! Sa susunod ko na lang sasabihin, andito na kasi si prof. Tawagan na lang ulit kita, okay? See you, soon. Bye! nagmamadaling saad niya.

“Oh, okay! Bye!” tugon ko bago namatay ang tawag.

Ibinaling kong muli ang aking paningin sa harapan at ipinagpatuloy na ang paglalakad ngunit wala pang isang minuto ay napatigil ako nang marinig ang isang tinig ng babae na tila’y nagmamakaawa. Kasunod ng tinig na ‘yon ay boses ng mga. . . lalaki?

Perilous Lady of ApollyonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ