CHAPTER 05

1.4K 114 35
                                    

H E L L A R I A N 

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

H E L L A R I A N 

   Nakasuot ako ngayon ng earpods; nakikinig ng paborito kong rock song habang walang ganang nakahalumbaba na nakatingin sa mga kaklase ko. Nakaka-imbyerna ang pinaggagawa nila.

Sobrang iingay!

Akala mo’y nasa isa silang malaking concert; ang lakas ng pagpapatugtog nila sa speaker. Mayroong feel na feel ang pagkanta habang gamit ang shure microphone—sintunado naman. May nag-b-beat box. May nagkukunwaring tumutugtog ng violin kahit wala naman siyang hawak na fiddle at bow stick, nakapikit pa talaga ang loko habang dinadama ang paggalaw ng kaniyang kamay. May nagmamala-Stephen Curry, kunwari nag-d-dribble at nag-s-shoot kahit wala namang hawak na bola. Mayroong pang mga nagsisigawan kahit na magkakalapit lang naman sila.

Kung bakit ba naman kasi wala rito ang bastardong leader nila nang manahimik sila.

Mahina akong napamura. Tinudo ko pa ang volume ng aking pinapatugtog. Hanep na mga bunganga ‘yan, mas nangingibabaw pa ang ingay kaysa sa speaker. Para silang mga nakawala sa kani-kaniyang hawla.

Tch! Gustuhin ko mang bulyawan sila, ang tanong, makikinig ba sila? Malamang sa malamang, hindi! Kaya useless lang ang pagsigaw, sasakit pa lalamunan ko.

Ilang sandali lamang ay napahikab ako kaya pinatong ko ang aking ulo sa lamesa ng aking upuan. Mariin kong ipinikit ang mata ko, gusto ko na lamang itulog ang init ng ulo ko kaso ang iingay talaga nila.

Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako sa ginawa sa ‘kin kanina ng hinayupak na Angel na iyon. Sarap n’yang ipalapa sa mga alaga kong tigre.

Sa pangalawang beses ay napahikab akong muli, ilang saglit pa ay nakaramdam na talaga ako ng pagkaantok hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata.

---

Nagising ako na puro itim ang aking nakikita. Kahit saan ako tumingin, wala akong mahagilap na kahit anong liwanag kun’di kadiliman lamang.

Nasa’n ba ‘ko? Anong ginagawa ko rito?

Nagsimula akong maglakad kahit madilim. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito pero paano nga ba?

Wala man lang akong maaninag na kahit ano.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang pigura ng isang batang babaeng nakatalikod.

Humarap ito sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ang kabuuan nito, hindi ko makita ng maayos ang mukha nito.

Perilous Lady of ApollyonМесто, где живут истории. Откройте их для себя