CHAPTER 15

340 40 23
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

  “What took you so long?” bungad na tanong ko sa kararating lang na si Hayila gamit ang malamig at masungit kong boses.

Kaninang break ay sinabihan ko itong dito na lang sa field dumiretso dahil may ipapagawa ako sa kaniya.

“Sorry na. May ginawa lang ako saglit,” dahilan nito. Hindi pa man nagsisimula ang training ay may pawis na ito.

“Tsk. Run, 15 laps. Now.”

Napatingin naman sa ‘kin ito nang nanlalaki ang mga mata, tila hindi nito gusto ang pinapagawa ko.

“Iikutin ko ‘tong buong running track? Nakakapagod!” reklamo nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.

“Okay then. Go home, turuan mo sarili mo,” diretsong sambit ko.

Nanlalaki na naman ang mga mata nitong lumingon sa ‘kin at sunod-sunod na umiling. “Sabi ko nga, tatakbo na,” agarang saad niya at nagsimula ng tumakbo.

Susunod din naman pala.

Ilang minuto na ang lumilipas ay natakbo pa rin siya. Nakaka-11 laps na siya at halatang pagod na agad ito dahil bumabagal na ang takbo niya.

“Bilisan mo!” sigaw ko mula rito. Natauhan naman ito at tumakbo na ulit nang mabilis.

“Nandito pala kayo,” rinig kong sambit ng isang babae. Boses palang ay alam kong si Samara ito.

Hindi ko na lamang tinugon ang sinabi nito. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin.

“Halatang pagod na ‘yung isa,” tukoy niya kay Hayila na bumabagal na naman ang takbo.

“Bilis!” sigaw ko kay Hayila na sinunod naman niya.

“Kalmahan mo lang muna sa kaniya. Baka sumuko ‘yan agad,” suhestiyon sa akin ni Samara habang nakatingin kay Hayila. Mararamdaman sa boses nito ang pag-aalala.

“Let her. Ginusto niya ‘yan. At isa pa, takbo palang ‘yan. Kung diyan palang susuko na s’ya, then hindi ko na sasayangin ang oras kong magturo,” malamig na tugon ko naman dito.

    NAKAUPO ako rito sa queen-size-bed ko habang binabasa ang mga background profile ng miyembro ng bawat sections. Katatapos lang kanina ng training ni Hayila. Ang pinagawa ko lang naman sa kaniya kanina ay mga workout na mag-i-improve ng speed at strength niya.

Pagkatapos ng training niya kanina ay pagod na pagod talaga siya kaya sinamahan na siyang makauwi ni Samara. Hindi na ako magtataka kung bukas ay halos hindi ito makalakad.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now