CHAPTER 03

1.8K 125 63
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   Mula rito sa aming silid, kitang-kita ko sa labas ng bintana ang nagtataasan at naglalaguang puno ng mga gubat. Berdeng-berde rin ang kulay ng mga dahon nito. Habang abala ang aking mata sa paglilibot sa iba’t-ibang bahagi ng kagubatan, napatingin ako sa kulay itim na gusali.

My forehead furrowed, wondering what’s inside that building. Wala naman na atang gumagamit no’n, bakit hindi pa nila ipagiba?

Mayamaya, narinig ko ang marahas na pagbukas ng pintuan nitong silid at ang yapak ng mga pumasok. Hindi na ‘ko nag-abalang tignan kung sino man ang mga ‘yon. Sino ba sila para pagtuunan ko ng atensyon?

“Bakit may babae rito?” rinig kong baritonong tanong ng hindi pamilyar na tao.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ang nagsalitang iyon kaya dahil sa kuryosidad ay natingin ako sa gawi nila.

Nagtagpo ang mga mata naming dalawa, nakita ko ang seryoso at napaka-lamig nitong titig.

Napako ang aking paningin sa tatlong lalaki na nasa likod niya. Doon ko lamang napagtanto na sila pala ‘yung apat na lalaking nakasalamuha ko sa Camorra Street.

So, kaklase ko sila. Tch! What a coincidence.

Tch! Dito s’ya nilagay ni dean.
Anong gagawin natin sa kan’ya, Azaiah?”
Oo nga. Nakakaasar ang babaeng ‘yan.

Samu’t-saring saad nila doon sa Azaiah. Kung makapag-usap sila tungkol sa akin ay parang wala ako rito sa loob ng classroom nila. Harap-harapan, ha.

Kailan ba sila mananahimik? Nakakarindi kasi. Kung wala silang balak tumahimik, willing naman ako patahimikin sila—pang-habang buhay nga lang.

‘Yong mga kapatid ko naman, nananatili lang na tahimik habang palihim na tumitingin sa akin. Isa pa ‘yon sa nakaiinit ng ulo. Ayaw man lang nilang sawayin ang mga kaklase nila.

“Then, why did you let her enter this fvcking room?” matigas na tanong muli nu’ng Azaiah, mariin ang tingin nito.

Siya siguro ang leader ng seksyong ito. Pansin ko lang din na bukod sa mga reklamador at bwisit sila, puro pala sila lalaki sa silid na ito. Wala man lang akong nakitang ni-isang babae nu’ng pumasok ako rito.

“Mas matigas pa sa bungo ang ulo ng babaeng ‘yan, ayaw magpatinag. Tch!” sagot nu’ng maliit na lalaki na ikinataas ng kanang kilay ko.

“Teka nga, bakit nandito rin si Abby?” sabat na tanong naman nu’ng Archy na ngayo’y nakatungkod ang kanang kamay sa balikat nu’ng Dark para maging suporta niya sa pagtayo.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now