CHAPTER 22

79 16 78
                                    

A S H E R

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

A S H E R

   “Anong meron sa inyo ni Hellarian?” kunot-noong tanong ni Fynn kay Larius pagkarating na pagkarating namin sa mansion namin—ng Section Apollyon.

“Why?” walang ganang tugon naman ni Larius at pabagsak siyang umupo sa mahabang sofa habang nakatingin ng diretso kay Fynn.

“As far as I know, inis na inis ka rin sa babaeng ‘yon. Bakit parang nag-iba ata ang ihip ng hangin?” sarkastikong wika ni Fynn habang nakataas ang kilay, halata sa boses nito ang pagtataka.

Kahit kami rin naman ay nagtataka. Dahil parang nu’ng nakaraan lamang ay ayaw na ayaw ni Larius kay Hellarian. Pero ngayon? Parang ang lapit na nila sa isa’t-isa.

“So? What’s wrong with that, Fynn? I’m just being nice to her,” sagot naman pabalik ni Larius.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit inis na inis si Fynn kay Hellarian, gayong wala namang ginagawa sa kaniya ang babae. Well, kung ako naman ang tatanungin, hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya. It’s just that na ayoko lang siyang mag-stay sa section namin for some reason.

“So, you’re making friends with your enemy? For what? To use her? Kasi close sila ni Samara?” natatawang tanong ni Fynn dahilan upang mapaismid si Larius.

Larius hissed. “Come on, Abrea, ‘wag mo ‘kong igaya sa ‘yo. Hindi ko ginagamit si Larian. . . At mas lalong hindi ko naman siya tinuring na kaaway, ikaw lang naman ang nag-iisip sa ating dalawa ng ganiyan.”

Bahagya namang natawa si Fynn nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Larius.

“Really?” kunwaring hindi makapaniwalang tanong ni Fynn. “Kaya pala inis na inis ka rin sa kaniya noon at atat na atat kang mapaalis siya sa section natin,” ngising saad ni Fynn.

Napairap naman sa kawalan si Larius. “Oo, inis na inis ako sa kaniya noon, but that doesn’t mean na tinuturing ko siyang kaaway. At para ipaalala ko sa ‘yo, kaya ko s’ya gustong uamlis sa section natin dahil kailangan nating gawin iyon.”

“Ano bang nangyari? Bakit bigla kang bumait sa babaeng ‘yon?” biglang tanong naman ni Archy kaya sa kaniya nabaling ang paningin si Larius.

“Well, she’s fun to be with. She’s really nice,” sagot ni Larius kaya taka kaming napatingin sa kaniya.

“At kailan pa kayo nagkasama ni Larian?” biglang tanong naman ni Haiden, ang kakambal ni Hellarian.

“Kagabi.”

Nabigla kami sa sinagot nito. Tangina, kagabi? Anong ginawa nila kagabi? Paano sila nagkasama?

“At bakit kayo magkasama?” nakataas ang kilay na tanong ni Hades.

“It’s none of your business. Pero para na rin sa ikatatahimik ng utak ninyo, wala akong ginawa sa kaniya, sinamahan n’ya lang akong magpalamig ng ulo. That’s it!” mahabang linya ni Larius ‘tsaka siya tumayo at tinalikuran kami para iwan dito sa sala.

Perilous Lady of ApollyonKde žijí příběhy. Začni objevovat