CHAPTER 07

986 60 44
                                    

H E L L A R I A N 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N 

   Bumaba na ‘ko sa hagdan habang itinutupi hanggang siko ang magkabilang sleeve ng aking pang-itaas na damit. Nakasuot ako ngayon ng cloth denim shirt na pinaresan ng black skinny jeans, at white flat sneakers.

Hindi ko na muna sinusuot ang uniporme ko sa kadahilanang hindi ko gusto ang haba ng palda nito—napakaikli. Ngunit naisipan ko na rin namang labhan dahil iyon ang utos ni Dean Roger, ang suotin ko ang aking uniporme kapag pumapasok.

Biyernes ngayong araw at no’ng martes ako nagsimulang pumasok sa paaralang ito. Sa nagdaang dalawang araw, pinagpipilitan ng Section Apollyon na mapaalis ako sa seksyon nila subali’t ni-isang beses ay hindi sila nagtagumpay.

Sa dalawang araw rin na iyon ay may iilan sa kanila na alam ko na ang pangalan, sa tulong ng mga nameplate na nakadikit sa blazer nila. Walang surname ang nakasulat sa plate at idagdag pa na hindi nila mas’yadong isinusuot ang kani-kanilang mga ID kung kaya’t hanggang ngayo’y hindi ko pa rin alam ang kani-kanilang apelyido ‘liban na lang sa iba na naririnig ko kapag tinatawag sila ng mga guro sa last name nila.

We had a wearable student identification card, and at the same time, a nameplate that could be attached to our blazers or any clothing.

Ang ID card namin ay nakapatayo; sa itaas na bahagi ng card na ito nakalagay ang logo at pangalan ng unibersidad, sa ibaba no’n nakadikit ang two-by-two picture, at sa katabi nito ay ang ranggo ng mga estudyante sa paaralang ito—may nakatatak na ‘N/A’ kung hindi kasali sa individual ranking. Sa ibaba ng rank number ay ang numero ng classroom. Sa ilalim ng mga ‘to ay ang buong pangalan ng estudyante, grade and section, adviser, at sa pinaka-ibabang bahagi ay ang pangalan ng dean at pirma nito. Habang ang nasa likod naman nito ay ang mga personal na impormasyon katulad na lamang ng guardian name, contact number, date of birth, at ang barcode.

Ang nameplate naman namin ay hugis parihaba at kulay puti, samantalang ang gilid nito ay kulay ginto; ang nakaukit dito ay ang pangalan lamang ng estudyante. Sa ibaba no’n ay ang pangalan ng section, at ang kasunod naman nito ay numero kung saan ipinapakita nito kung pang-ilan ka sa iyong seksyon—malalaman ito sa pisikal na lakas. Katulad na lamang ng akin;

HELLARIAN ACHLYS
Apollyon [20]

Pang-dalawangpu ako sa section namin sapagkat bagong salta pa lamang ako at hindi pa nila nakikita ang lakas at liksi ko.

Tinignan ko ang aking relo, seven-twenty o’clock na ng umaga. Pagpatak ng alas-otso ay magsisimula na ang klase. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Kinuha ko ang isang egg sandwich na ginawa ko kanina at kinagatan ito habang nagsisimulang maglakad palabas sa bahay na ito.

Nang makalabas ako sa gate ng Sacilians’ Residence, sinubo ko na ang natitirang tinapay. Itinali ko ang nakalugay kong buhok, at saka malalaking hakbang na tinungo ang ikalimang gusali na nasa kanang bahagi ng campus—katabi ng gitnang building. Seryoso ang aking mukha na tinahak ang daan patungo sa room, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa akin.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now