CHAPTER 14

520 38 27
                                    

H E L L A R I A N

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

H E L L A R I A N

   “Ayos ka lang ba?” humihingal na tanong ni Hayila, mahihimigan sa boses nito ang pag-aalala. “Nabalitaan ko ‘yung kumakalat na post about sa ‘yo.”

“I’m fine. Thank you,” nakangiting tugon ni Samara.

Pagkatapos nilang mag-usap ay katahimikan ang namayani sa pagitan naming tatlo. Ramdam ko pa ring hindi mapakali si Samara, para s’yang wala sa huwisyo.

Mula naman sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatulala lamang sa kawalan si Hayila, tila problemado rin.

Hindi ko alam ngunit agaran akong tumayo mula sa pagkakaupo sa bleacher. “Let’s go,” malamig na aya ko sa kanila.

Ramdam ko namang napatingin sa akin ang dalawa.

“Saan?” rinig kong tanong ni Samara.

“Just come with me,” tanging tugon ko at nagsimula na akong maglakad. Naramdaman kong sumunod din ang dalawa sa akin.

Naglakad lamang ako nang naglakad hanggang sa makarating kami sa Vitale Mall dito sa unibersidad na ito. Talaga nga namang sobrang lawak ng paaralan na ito.

“Anong ginagawa natin dito?” sabay pa na tanong nina Hayila at Samara na hindi ko naman tinugunan, sa halip naglakad lamang ako patungo sa Arcade.
 
Dumiretso ako sa bilihan ng token. Bumili ako ng dalawang balot nito, saka ko ito iniabot sa dalawang babaeng kasama ko.

“Play whatever you want,” saad ko sa dalawa. Ngumiti naman ang dalawa sa akin at dali-dali nilang kinuha sa akin ang dalawang balot ng token.

Ilang oras ang ginugulgol namin sa paglalaro ng ibang games dito sa Arcade. Naglaro kami ng hpyer shoot basketball, car racing game, VR games, beat saber, ticket monster, bean bag toss, narf arcade, king of the hammer, space invaders frenzy, and claw machine. Naglaro rin kami ng bowling at laser tag. Nang magsawa ay napagdesisyunan namin na maglaro ng bumper cars, gusto raw kasing masubukan iyon ni Samara dahil first time n’ya palang, samantalang si Hayila naman’y na-miss n’ya raw iyong laruin.

Pagkalipas ng ilang oras ay narito naman kami ngayon sa may karaoke machine. Naririndi na nga ako sa boses ng dalawa. Kung kumanta kasi sila ay pasigaw na. No judgement pero para silang mga lasing na wala sa tono na gustong kumanta sa videoke.

Bahagya akong napatawa nang makitang ang gulo-gulo nilang dalawa. Nag-aagawan kasi sila sa microphone at nagyayabangan pa kung sino ang mas magaling sa kanilang kumanta.

Kinakanta nila ang ‘Akin ka na lang by Morisette,’ at ang masasabi ko lang, para silang mga nakawala sa hawla.

Bigla akong napatakip sa aking mga tainga nang bumirit si Hayila. Sa totoo lang, hindi na nga birit iyon, para na s’yang nagwawala at sumisigaw. Wtf!

Samantalang si Samara naman ay hindi ko na maintindihan ang binibigkas. Para n’ya kasing binabasa lang ‘yung liriko at ang malala pa, wala s’ya sa tono at pabulol-bulol pa ang pagkakabigkas niya sa mga salita.

Perilous Lady of ApollyonKde žijí příběhy. Začni objevovat