CHAPTER 02

1.9K 139 145
                                    

H E L L A R I A N

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

H E L L A R I A N

   I’ve already arrived at the university where I’ll continue my studies.

In front of my black Ferrari 458 car, I saw a massive black fence that was extremely high, obviously robust, and seemed to be made of gothic arts and beistle. The school’s name was scrawled across the top, and it appears to have been written using blood.

SACILIAN-DEVILUNA UNIVERSITY

Gate palang ang nakikita ko pero nakararamdam na ‘ko ng thrill, paano pa kaya ang loob nito.

Kumatok sa bintana ng sasakyan ko ang isang g’wardya kung kaya’t ibinaba ko ito.

“I.D?” seryosong tanong nito sa akin at parang sinusuri pa nito ang buong pagkatao ko.

Walang emosyon akong tumingin sa kaniya. “Transferee,” tipid na sagot ko.

“Name?”

“Hellarian Luxwell.”

Pagkasagot ko ng tanong niya, may pinindot ito sa radio earpiece na nakasuot sa kaniyang tainga. Medyo lumayo ito sa ‘kin, marahil ay may kakausapin ito.

Tinignan ko ang kabuuan niya. Presentable siyang tignan; nakasuot siya ng white polo na nasa loob ng kaniyang black blazer, maayos na nakakabit ang black necktie sa kwelyo ng polo, naka-black pants, at black shoes. Maskulado rin ang pangangatawan nito at malaking tao.

Napatingin naman ako sa iba pang kasamahan niya. Ganoon din ang kanilang porma. Ayos, ah. Mala-body guard ng mga bilyonaryo ang datingan ng mga ‘to.

Nabaling muli ang paningin ko sa g’wardiyang kausap ko kanina na ngayo’y may kausap sa kaniyang earpiece. Nagtaka ako nang makita ang bigkang pagrehistro ng gulat sa mukha nito ‘tsaka ito tumingin sa gawi ko. Walang nagbago sa reaksyon ko, tinignan ko lamang siya ng walang emosyon.

Ilang sandali lamang ay nagsimula na itong maglakad palapit sa gate. Mayroon itong parang pinindot dahilan upang bumukas ang malaking tarangkahan.

This is going to be exciting,’ saad ko sa aking isipan at gumuhit muli ang isang malapad na ngisi sa aking labi.

Pinaandar ko na ang aking sasakyan papasok sa loob. Habang umaandar ang aking sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa aking mga nakikita.

Damn! Sobrang laki ng paaralang ito. Kung hindi ko lang siguro alam na ito’y isang unibersidad, aakalain kong isa itong pangkaraniwang syudad lamang dahil bawat nadadaanan ng aking sasakyan ay may nakikita akong mall, hospital, park, bar, at may mga streets din.

Perilous Lady of ApollyonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant