CHAPTER 17

1.1K 97 119
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   I opened my eyes and took a deep breath before banging the punching bag. Nilabas ko lahat ng frustration at galit ko sa punching bag. Narito ako ngayon sa ikalawang palapag ng gym ng combat club dahil dito nagpupunta ang ilang mga estudyanteng gustong mag-kickboxing. Habang ang nasa unang palapag naman ng club na ito ay ang mga nag-t-training ng taekwondo.

Mabilis at mabibigat ang pinapakawalang suntok ng aking kamao. Hindi ko na halos napansin kung ilang suntok na ba ang pinakawalan ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nangyari kanina.

Hindi na nga ako pumasok sa mga sumunod na klase pagkatapos naming mag-usap ni Dark kanina. Wala akong ganang pumasok lalo na kung makikita ko lang sila.

Pagkarating ko rito kanina ay nagpalit kaagad ako ng damit. Nakasuot ako ngayon ng itim na sports bra, itim na leggings, at tanging boxing hand wraps lamang ang suot ko sa aking kamay kaya ramdam ko ang tigas ng punching bag. Samantalang nakapuyod naman ang aking buhok.

Pinagpatuloy ko lang ang sunod-sunod na pagsuntok sa punching bag. At paminsan-minsan naman ay sinisipa ko rin ito nang malakas. Iginalaw ko ang mga paa ko sa ritmo at anggulo ng bawat suntok ko.

Ramdam ko na ang namumuong pawis sa katawan ko, may tumutulo na rin sa sahig.

As I continued striking the punching bag, naalala ko na naman ang nangyari sa lola ko, ang mga salitang binitawan noon ni Eryx, at ang mga nangyari kanina. Hindi ko maiwasang magalit kapag si lola ang usapan. Laging may namumuong galit at sakit.

Inisip ko na sila ang punching bag na pinapatamaan ko kaya mas lalong napabigat ang pinapakawalan kong suntok at sipa.

I took a step back, inhaled slowly and deeply, and then punched the punching bag with all my strength in one fast movement.

Huminto muna ako saglit. Hinabol ko ang hininga ko habang tinitignan ang katawan ko, lalo na ang tiyan ko, na punong-puno na ng pawis. Marahan kong pinunasan ang pawis ko sa noo saka ko kinuha ang aking tumbler sa isang lamesa.

Habang umiinom ako ng tubig, I remembered what Dark had told me earlier. His voice kept echoing in my head.

“If you’re not okay, you can count me in. I’m willing to listen and to be your crying shoulder.”

Ewan ko ba kung bakit ang bait niya sa ‘kin kanina, eh samantalang hindi n’ya naman ako pinapansin sa room. Para nga lang akong hangin roon kapag nagkakasalubong kami.

When I asked him why he was acting like that, he said na ayaw n’ya lang daw makakita ng babaeng umiiyak mag-isa ‘tapos wala man lang mapagsabihan o makakasangga.

Napailing na lamang ako nang maalala iyon. Ibinalik ko ang tumbler sa lamesa at bumalik na ‘ko sa aking p’westo saka ko pinaulanan ng sunod-sunod na suntok ang punching bag.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now