CHAPTER 24

94 13 107
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   “Saan ka ba talaga nanggaling? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!” bungad na tanong sa akin ni Dean Roger pagkapasok na pagkapasok ko rito sa opisina niya. Pinatayan ko kasi siya ng tawag kanina dahil galit na galit ang boses nito. Hindi na lang ako nagpasundo sa kan’ya, pinili ko na lamang maglakad patungo rito, kahit masakit pa rin ang buong katawan ko.

“Hellarian Achlys! I’m asking you,” tiin bagang na saad niya nang hindi ko sinagot ang tanong nito.

Walang gana akong tumingin sa kaniya.

I tsked. “Diyan lang sa tabi-tabi.”

Dahil sa sinagot ko ay tumalim ang tingin nito sa ‘kin. “Really, ha? Diyan lang sa tabi-tabi nang dalawang araw?” sarkastikong turan niya na inirapan ko lang.

Ang sakit ng katawan ko, punyemas! Hayop na dalawang section ‘yon. ‘Wag lang talaga silang papakita sa ‘kin, babaragin ko talaga mga pagmumukha nila.

Bigla akong napatingin kay Dean Roger nang mapansin kong titig na titig ito sa aking mukha, tila sinusuri niya ito.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita, “What?” mataray na tanong ko.

“Saan nanggaling ‘yang mga pasa mo sa mukha?” nagtatakang tanong niya at tinignan ako ng sobrang seryoso. “Saan ka ba talaga nanggaling?! Anong nangyari?” sunod-sunod na dagdag niya sa kaniyang sinabi.

“Napag-trip-an lang. ‘Wag ka nang mas’yadong maraming tanong,” masungit na saad ko ngunit nakatanggap lamang ako rito nang masamang titig.

“Sino ang mga ‘yon?” malamig na tanong niya.

Imbes na sagutin ang tanong niya ay isinandal ko na lamang ang aking likod sa sofa at ipinikit ko ang aking mga mata.

“Kinakausap pa kita, Ms. Luxwell!” mariing saad niya subalit hindi ko pa rin siya tinugon. Bahala siya riyan.

Ilang saglit lang ay narinig ko na lamang na napipikon siyang bumuntong hininga at nag-‘tsk’ pa ito. Hindi na rin ito nagsalita pa dahil mukhang alam na niyang wala na akong balak sagutin ang tanong niya.

“Hindi ba’t suspendido ng dalawang linggo ang Section Sonneillon?” biglang tanong ko habang nakapikit pa rin.

“Yes.”

So, suspended pa rin pala sila pero nakapasok na sila rito. I wonder kung saan sila dumadaan papasok dito kung gayong mas hinigpitan na ang seguridad ng paaralan.

Maaaring kasabwat nila ang Section Verin para makapasok dito. . . Pero paano?

Napailing ako sa aking sariling tanong. Malamang, tuso at maparaan ang section na iyon, kayang-kaya nilang makapasok dito nang walang kahirap-hirao.

“Bakit mo pala natanong?” tanong nito, mahihimigan sa kaniyang boses ang pagtataka.

“Nothing. Sumagi lang sa isip ko,” diretsong sagot ko. Huminto ako saglit upang makapag-isip isip hanggang sa nagsalita akong muli, “Nasaan pala ang mga kapatid ko?”

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now