CHAPTER 11

1.4K 113 51
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   Inisang hakbang ko ang pagitan namin ng babae. Mabilis kong sinangga, gamit ang kaliwang kamay ko, ang bisig ng babae nang astang sasaksakin niya ako.

Sa pamamagitan ng aking kanang kamao, sinuntok ko ang mukha ng babae. Kasunod no’y umikot ako patalikod rito habang hawak pa rin ang kaliwang bisig nito, saka ko hinawakan ang waist band ng pantalon nito at buong lakas siyang inangat sabay ibinalibag ito sa semento dahilan upang mawalan ito ng lakas at mabitawan niya ang balisong na hawak.

Kinuha ko ang nahulog na balisong bago ko minarkahan ng ‘X’ ang pisngi niya. Nang makuntento na ako, ibinalik ko na sa pagkaka-fold ang balisong at inilagay ito sa aking bulsa sa likod.

Napangisi na lamang ako nang makita ang dumaan na hapdi sa mukha ng babae—hindi ito makagalaw ng ayos dahil sa sobrang lakas at sa sobrang sakit ng natamo nito sa ginawa ko.

Tumayo ako nang tuwid, saka  ako humarap sa lahat. Napasinghap ang mga estudyanteng nakasaksi sa aking pakikipaglaban. Lahat ng nagtangkang sumugod sa akin ay napatumba ko at ang iba nama’y nawalan pa ng malay.

Dumako ang tingin ko sa p’westo ni Luke. Nagpupuyos na siguro sa galit ang kaloob-looban nito sapagkat nabulilyaso ang plano niya dahil sa akin.

Well, deserve.

Napasinghap sa gulat ang mga manonood kasama na roon ang mga kaklase ko nang inilabas nito ang kaniyang baril at itinutok ito sa ulo ko. May ilan pang napasigaw dahil sa paglalabas ni Luke ng baril.

Ngunit kahit gano’n pa man, wala man lang mababakasang takot at kaba sa sa kalooban ko. Pinanatili ko lamang walang emosyon ang mga mata ko.

Ang oa naman kasi ng mga tao rito. Akala mo nama’y hindi pa sila nakakakita ng patayan sa harapan nila. Or baka nga, sila pa mismo ang pumapatay.

Sa halip na umatras ako ay dahan-dahan akong lumapit kay Luke na hindi man lang natinag sa paglapit ko, bagkus ikinasa pa nito ang baril at mas lalong itinutok sa noo ko.

Malulutong na napamura ang mga kapatid ko. Ramdam kong gustong-gusto nilang lumapit sa akin pero hindi nila magawa sapagkat base sa nakikita ko, unti-unti nang umi-epekto ang likidong itinurok sa kanila kanina. Sa tingin ko’y nagdudulot ito ng panandaliang panghihina sa katawan nila.

“Do you think you can scare me with that thing?” malamig na turan ko. Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi na ikinasama ng tingin niya.

Umatras ako ng kaunti, napansin naman niya iyon.

“Oh, ano? Bakit ka umaatras? Natatakot ka na ba?” natatawa niyang tanong at nginisian pa ako.

Nginisian ko rin siya pabalik kasabay no’n ay ang pagsipa ko ng pa-outside cresent, dahilan para tumalsik paitaas ang kaniyang baril.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now