CHAPTER 06

989 78 54
                                    

H E L L A R I A N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N

   Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin nitong restroom matapos kong maghilamos.

Walang kabuhay-buhay at kadiliman ang pinapakita ng aking mata na kulay kuryenteng bughaw. Ang mala-pusa kong mata’y nakatagilid paitaas na s’yang nagpapakita na tila ako’y nangingilatis, nangma-manipula, at nanlilinlang; ang panlabas na sulok sa ibabang linya ng aking pilikmata ay mas mataas kaysa sa panloob na sulok. Dumako ang aking paningin sa matangos kong ilong pababa sa kulay rosas at Heart-shaped Cupid’s bow na labi.

Hinawakan ko ito gamit ang aking kanang hintuturo. . . unti-unting tumaas ang sulok ng aking labi. Kitang-kita ko sa salamin ang mukha ko na may mapaglarong tingin at ngiti.

Binuksan kong muli ang gripo, pagkatapos ay itinapat ko ang aking dalawang palad upang sahurin ang tubig at ipanghilamos.

Kinuha ko ang bimpo sa bag, saka ito pinunas sa aking mukha. Habang ginagawa ko iyon, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Agaran akong napatingin rito at mabilis na nagtungo sa gawi nito.

Shit! Hindi ba nila alam na sira ang lock ng pinto?!

“The heck! Buksan nyo ‘to!” inis na sigaw ko habang sinusubukang pihitin ang lever-door handle ng pinto.

“Enjoy, bitch!” nang-aasar na wika ng boses babae mula sa labas, pagkatapos, sunod-sunod na tawa ang aking narinig.

Angel Hermosa!

Ang babaeng ‘yon—namumuro na talaga siya sa ‘kin. Mukhang sinadya n’yang isara ang pinto para ma-stuck ako rito. Bwisit!

I banged the door, but nothing happened.

“Ayos ka lang ba riyan?” natatawang tanong niya na mas ikinainit pa ng aking ulo. “Don’t worry! Deserve mo naman ‘yan.” Narinig ko pang muli ang huli nilang halakhakan hanggang sa marinig ko ang yapak nila papaalis.

Paulit-ulit kong kinalampag ang pinto subali’t ayaw talaga nitong mabuksan.

Malutong akong napamura dahil sa inis.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit wala akong makita na kahit anong bagay na maaaring magamit.

Padarag kong binuksan ang bawat pintuan ng cubicle, at kung sinuswerte ka nga naman—may nakita akong mop. Kinuha ko ito ‘tsaka tinanggal ang handle nitong gawa sa bakal.

Ginamit ko ang dulo ng bakal upang gamiting pang-hampas sa hawakan ng seradura. Sa unang beses ay hindi gumana ang paghampas ko kaya’t hinampas ko ulit ito ngunit wala pa rin talaga. Muli, sa ikatlong beses ay hinampas ko ito nang sobrang lakas na naging sanhi para mapihit pababa ang hawakan.

Hinulog ko sa sahig ang bakal at padarag na hinablot ang bag, saka umalis sa lugar na iyon.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang anino ni Angel pero hindi ko ito makita.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now