CHAPTER 16

764 74 61
                                    

WARNING: This chapter may trigger your emotion, especially if you have a past and it happens to you in real life

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WARNING: This chapter may trigger your emotion, especially if you have a past and it happens to you in real life.

···•···

H E L L A R I A N

    Nakipagtitigan lamang ako sa nakasarang pinto ng classroom namin. May iba kasi akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay may binabalak gawin ang mga gago.

“Tsk. Wala ka bang balak pumasok?” rinig kong tanong mula sa likuran ko kaya’t lumingon ako rito.

Hawak-hawak nito ang kaniyang tagiliran at halatang-halata pa rin ang pasa sa kaniyang mukha.

“Oh, buti nakapasok ka pa,” nakangising wika ko kay Archy na nakakunot ang noo.

Tinaasan naman ako nito ng kilay.

“Malamang, hindi naman ako nalumpo,” pairap na turan naman nito sa ‘kin na nginisian ko na lamang.

Hindi ka nga nalumpo, natagiliran naman.

Napailing-iling ako. Humarap na lang akong muli sa pinto at hinawakan ang doorknob nito. Sa pagbukas ko ng pintuan ay s’yang pagbagsak din sa ulo ko ng isang balde mula sa itaas. What the fvck!

Ramdam kong unti-unting naglandasan ang mabaho at masangsang na likido sa aking uniporme.

Kumuyom ang kanang kamay ko at mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Dumapo ang kamay ko sa baldeng nasa ulo ko, mahigpit ko itong hinawakan at iritadong inalis ito sa aking ulo. Nang makita ko ang kulay pulang likido na sa tingin ko’y dugo ng hayop ay malakas kong ibinato ang baldeng hawak-hawak ko.

Bago pa ako makatingin sa kanila ay may nagbuhos pa sa ‘kin ng kulay pulang pintura kaya napapikit akong muli dahil sa sobrang inis. Fvck.

Nang medyo kumalma na ‘ko ay milingon ko silang lahat ng blangko ang tingin. Ang narito palang sa loob ay sina Fynn, Clydius, Blaze, Xenon, Asher, Kriss, at si Larius.

Tinignan ko ng mariin sina Clyd at Kriss, nagtatanong ang mga mata ko kung may alam sila rito. Mabilis naman silang napailing-iling at pareho pang napayuko na mas lalong ikinainis ko.

“Sinong nagplano nito?” walang emosyong tanong ko habang gamit ang malamig na boses.

Sa halip na makatanggap ako ng sagot mula sa mga ito ay isang lumilipad na kutsilyo na naman ang patungo sa direksyon ko. Agaran ko naman itong sinambot nang malapit na ito sa mukha ko ‘tsaka ko ito hinagis pabalik sa may ari. . . kay Larius. Mabilis na tumusok ang kutsilyo nito sa kaniyang lamesa dahilan upang samaan ako nito ng tingin kaya’t sinamaan ko rin ito ng tingin pabalik.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now