Chapter Two

105 4 0
                                    

-----


Maaga akong nagising kinabukasan nang tumunog ng malakas ang aking ring tone. Marahas akong bumangon at bumuntong-hininga.

Pupungas-pungas kong inabot ang aking cellphone sabay sulyap sa digital alarm clock sa bedside table.

Sino ba ito at ang aga aga tumawag? Makapambwisit lang e!'

"Hello?" namamaos na boses na sinagot ko ang tawag.

"Naistorbo ko yata ang tulog mo." boses iyon ng aking Manager.

Napabaliwas ako at inayos ang aking sarili. "Yes, Madam napatawag po kayo?"

"May lakad ka ba? Are you able to visit the office today?" tanong nito mula sa kabilang linya.

Kinabahan akong bigla. "May problema po ba, Ma'am?"

"Hmm. Wala naman, I just noticed na yung timesheets niyo ni Casey ay nagkaroon ng issue. Mag re-file na kayo para makahabol sa cutoff bukas so you won't experience a pay problem." she explained.

"I'll take note of this, Ma'am. Dadaan po ako ng office mamaya. Thank you."

"Thanks. You take care."

Umupo ako sa gilid ng aking kama at tumitig sa kawalan. Napakahirap talaga ng buhay nag tatrabaho. Imagine, pahinga mo nalang pero trabaho pa rin ang kailangang atupagin. Well, wala naman akong magagawa dahil sahod ko ang nakasalalay dito.

Since then, I've been living with my parents. Ako ang tumatayong bread winner ng pamilya simula no'ng iwan kami ni Papa at naka buo ng sariling pamilya ang ate ko. Nakakatulong parin naman si Ate sa mga gastusin sa bahay ngunit hindi na ganoon kalaki dahil nga ay kailangan nitong i-prioritize ang sariling pamilya.

Hindi naman iyon problema dahil hindi naman kami ganon kinakapos sa pera. Nakakipon din si mama kahit papano sa tulong ng pagluluto ng mga pagkain- minsan ay kakanin, ulam, desserts at kung ano ano pa. Ibinebenta niya iyon online at sa awa ng Diyos ay medyo malakas ang kita monthly. Di naman imposible iyon dahil magaling at masarap naman talaga siyang magluto na siyang namana ko.

Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap. I can sometimes pamper myself and my family with goods we need or want as a reward for our hard work. Pero hindi mo parin maalis na mangarap ng mas maayos na buhay at siguraduhing hindi na kailangang magtrabaho pa ng iyong mga magulang.

'Sisigurahin kong mas maiaangat ko pa kayo sa buhay na ito, Ma. I will give you all you deserve in order to repay everything you have done for us.' I murmured at tinungo ang C.R. upang makapag handa na sa pag-alis.

"Mauna na po ako, Ma." paalam ko at humalik sa pisngi nito. Dinatnan ko itong nagtitiklop ng damit habang nanonood ng TV.

"Mag-iingat ka anak. Umuwi ka agad pagkatapos mo."

Mabilis kong tinungo ang aming office. Nakasalubong ko si Karissa na nagmamadaling lumabas. Bihis na bihis ito at nangingibabaw ang amoy ng panbango niya. She looks like a goddess wearing a black dress and her short hair and red lips enhanced her beauty even more. May kakapalan din ang eye make up nito.

"Sa'n punta mo?" usisa ko dito. Hindi alam na narito din pala siya sa office.

Ngumiti ito ng malapad. "It's Saturday, you know. May date kami Andrei." si Andrei ang boyfriend nito na isang nurse.

"Naku ka bakla, sabihan mo kami kapag magiging ninang na kami." biro ko sakaniya at sabay kaming nagtawanan.

"Ako nanaman ang nakita mo. Balikan mo na kasi ex mo para hindi ako lagi napag ti-tripan mo." umirap ito.

"Pass. Osiya, bye. Ingat!"



Umupo ako sa harap ng aking computer at inumpisahang gawin ang dapat tapusin. Nilibot ko ang mata upang hanapin si Casey ngunit wala na ito roon. Marahil ay maaga siyang pumunta ng office at nakauwing agad.

Napakislot ako nang mag-vibrate ang aking cellphone.

1 unread message.

Hay... Eto nanaman siya. My ex-boyfriend, Daniel Aaron. We broke up five months ago and last last week, bigla nalang itong nagparamdam muli. He wants us to reconcile. I decided to just ignore him dahil alam kong bored nanaman ito kaya naisipang makipagbalikan. He cheated on me, so wala nang balikan.

I finished what I needed to accomplish quickly and decided to relax. 

'Makapag gala nga muna.' bulong ko at mabilis na nilisan ang office. Pagkalabas ko ng building, laking gulat ko sa kung sino ang aking nadatnan sa waiting area. Speaking of the devil.

There was Daniel. He got up when he spotted me and moved in my direction, but I turned around. Napigilan ko ang sarili na tumakbo upang hindi mahalata na umiiwas ako sakaniya. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Paano niyang nalaman na narito ako sa trabaho ngayong day off ko?

"Lorraine!" tawag nito. Inabutan niya ako at hinablot nito ang aking braso dahilan upang napaharap ako sakaniya. "Talk to me, come on!"

Marahas kong hinawi ang kanyang kamay. "Why are you here?"

"I drove by your place and Tita Emily told me you're here." paliwanag nito.

Tita mo mukha mo! Sigaw ko sa isip. Ang kapal ng mukhang tawaging tita si mama ah. Oo nga pala, hindi alam ni mama na matagal na kami naghiwalay ni Daniel. Maybe it's time to let her know about it.

"Anong kailangan mo?" tinapunan ko ito ng malamig na tingin.

"Alam mo anong gusto ko. I want you back, love." with desperate eyes, he said. Pilit nitong inaabot ang aking kamay ngunit agad ko itong naiiwas.

Yuck!

"At alam mo din ang sagot ko. AYOKO NA." I said firmly. 

There's no way na hahayaan kong magbalikan kami. Not that I'm not over him, ngunit naniniwala akong "When someone has broken the trust you bestowed in them, their likely to do it again." Ako lang din naman ang mahihirapan kung paulit-ulit siyang papatawarin at hindi naman magbabago.

Hinaklit niya ang braso ko. "Bakit ba ang pakipot mo?!" tumaas ang boses nito. "Why? May nahanap kana bang iba?"

"Ano bang pakialam mo? It's none of your business. Remember, we're done?" tinatanggal ko ang kamay nito saaking braso, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya. "Tigilan mo na ako, okay?"

Sarkastiko itong bumuga ng hangin. "You know, it irritates me when you play hard to get, yeah? You want me to kiss you hard para bumigay ka?"

Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. I've had enough! Hindi ako papayag na bastusin ako dahil lang hindi nito makuha ang gusto. Sa tingin niya ba madadala ako sa halik? No way! Even while he was my boyfriend, I couldn't even kiss him most of the time, tapos aasa siyang madadala niya ako sa halik!

He grunt loudly at inumang nito ang kamay, akmang sasaktan ako. Napapikit ako at walang nagawang hinintay na dumapo ang kamay nito saakin ngunit nagtaka ako nang hindi ko ito naramdaman. Nag-angat ako ng tingin.

"That's not how you treat a lady, brother."

Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Oh, Lord. The elevator guy! Naka-sangga ang kamay nito sa pulso ni Daniel, preventing him from hitting me. Why is he here?

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now