Chapter Thirteen

73 2 0
                                    

-----

"Hala ka, bakit dito mo ako dinala?"

Iginala ko ang tingin sa lugar na pinagdalahan saakin ni Nathaniel. Narito kami sa Moriette, isang kilalang grocery store na sa pagkakalam ko ay pawang mayayaman lang ang nagpupunta dito kaya sinisigurado kong kukulangin ang apat na libong budget ko para dito.

Iniabot ni Nathaniel saakin ang isang bote ng tubig. "You said you'd go grocery shopping?" takang-tanong niya.

"Oo, pero hindi ko sinabing magwawaldas ako ng pera. I can't afford it here. Ang mahal kaya ng-"

"Leave it to me, then." sansala niya at kumuha siya ng dalawang shopping carts, inilapit niya saakin ang isa.

"Wait, pauutangin mo'ko?"

Pinindot niya ang tungki ng ilong ko kaya natapik ko ang kamay niya. "No, bayad ko sa perwisyo ko saiyo kanina."

Kumunot ang noo ko. "Ha? E, ako nga naka kalmot-

"Ayaw mo ba?"

"Gusto." Sino ba naman ako para tumanggi sa grasiya?

"Then let's get moving." Tinulak niya ang shopping cart at sumunod ako sakaniya.

We began with the canned goods and noodles sections dahil iyon ang nauuna lagi saaking listahan tuwing nag-gogrocery. I chose the same quantity of products that I always do when I go grocery shopping. Ayaw ko namang magmukhang mapagsamantala dahil lang sa sinabi nitong sagot niya ang gastusin ko sa araw na ito.

"That's it? Dagdagan mo, oops-  'wag ka nang kumontra." At siya na mismo ang dumanpot ng mga produkto at nilagay sa cart.

"Bahala ka, maba-bankrupt ka sa ginagawa mong 'yan."

"Don't be ridiculous." pagak siyang tumawa at saglit na huminto. "Do you do this regularly?"

"Yes. Automatic na 'yan after payday. Why?" tanong habang sinusuyod ng tingin ang bawat section na madaanan namin.

"I'm impressed."

"Huh? Walang nakaka-impress dun, dapat as an anak, you know what you must do to help your parents." Tumaas ang sulok ng labi ko at nilingon siya. "Wala kang alam sa gawaing-bahay 'no?" pang-aakusa ko dito.

"Of course I do, it's just that I've been extremely busy kaya madalas ay naiaasa ang lahat sa mga kasambahay. Simula nang puro family business ang inatupag ko ay halos mawalan na ako ng oras sa lahat." paliwanag niya.

"E, bakit narito ka kung wala ka nang oras sa lahat?" pambubuksa ko sakaniya.

He gave me a quick glance. "It's called time management. I've started making time for the things that matter to me."

Naumid ang dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam anong isasagot. Is this his way of expressing that I am important to him? No, no. I need to stop assuming things. Mahilig man trip ang lalaking ito so this is most likely one of his schemes to annoy me.

I pretended not to hear what he said at siya ay hindi rin kumibo. Nagpatiuna akong naglakad tulak tulak ang cart. Tinungo ko ang Personal care products section para magpatuloy sa ginagawa. Dadampot sana ako ng sanitary pads at naalalang may Nathaniel pala akong kasama. Lalagpas na sana ako nang magsalita siya.

Nilingon ko siya.

"May sizes bang pinagpipilian para dito?" he asked innocently. Ang mukha nito ay parang bata na walang kamuwang- muwang sa mundo and it made him look so adorable. Noon ko lang napansin na hawak-hawak niya ang isang pack ng ng sanitary pads!

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now