Chapter Nineteen

40 2 0
                                    

-----




“Ate!”


Humahangos akong inabot ang doorknob ng room kung saan naka-confine si mama. Inabutan ko sila ate at ang pamangkin ko na nakaupo sa may couch doon. Dinaluhan ko sila at yumakap. Sumunod saakin si Nathaniel sa loob.


“Mabuti at nakarating kang agad.” anang ate. Umupo ako sa tabi niya.


“Nagmadali akong umalis no’ng tumawag ka. Kamusta na si mama? Anong nangyari?” sunud-sunod kong tanong.


Huminga siya ng malalim. “Naabutan namin siyang humihiyaw sa sakit kanina sa bahay. I’m glad we went to see her dahil nag-pumilit itong si Athena.” Ang tinutukoy niya ang pamangkin ko. “Umakyat sa diabetis 2 ang lagay niya kaya hanggang bukas siguro ay mag-stay pa si mama dito.”


“Oh, God…” nahahapo akong sumandal.


Nilingon ko ang natutulog na si mama sa hospital bed na may nakapasak na aparato sa may kamay. Kaming tatlo nalang nina Ate sa pamilya mula nang iwan kami ni Papa that’s why seeing my mother in this situation makes my heart ache. Kung alam ba ni Papa na ganito ang lagay ni mama ay magtatangka ba itong bumisita o mangamusta man lang? It has been years since our father abandoned us to be with his mistress kaya hindi ko maintindihan ang sarili bakit hanggang ngayon ay umaasa parin ako na babalik siya. Na mabubuo parin ang aming pamilya. Ni hindi ko alam nasaang lupalop na ito ng mundo.


Narinig kong tumikhim si ate at nag-angat ng tingin kay Nathaniel. “May kasama ka pala.” baling niya saakin.


Napabalikwas ako. Oo nga pala! “Ah, he’s Nathaniel by the way. Nathaniel, ang ate Bea ko. Katrabaho ko siya at sinabay niya ako dito dahil along the way lang ang uuwian niya.” Of course, I lied. Baka ano pang isipin ni ate.


“Magandang gabi po.” magalang niyang bati at nakipag-kamay.


“Nice to meet you. Please have a seat.” anyaya ni ate. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa gilid.


Tumayo ako nabutan ko siya ng bottled water. “Do you want some snacks?”


“No, it’s alright. Maya-maya ay aalis na din ako. I must go back sa event.” paliwanag niya.


Tumango ako. “Yeah, you should go. Kailagan ka doon, ihatid na kita sa labas.”


May pag-aalinlangan pang nabakas sa mga mata nito ngunit tumayo din pagkatapos. “Mauuna na po ako.” Baling niya kay ate.


“Hatid ko lang siya sa labas 'te.” paalam ko at tumango naman siya.


“Will you be alright?” naglalakad kami sa hallway ng hospital patungo sa door exit. I nodded in response to Nathaniel’s question.


Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. “Anong idadahilan mo sa dad mo sa ginawa mong pagtakas kanina?” I asked.


“Don’t worry about that.” He looked away. Matagal bago siya nag-salita ulit.


"H-ha?" litung tanong ko.


“Ayokong umalis dito…” he stopped.  Ayokong iwan ka dito.” he exhaled sharply.


“B-but why?”


“I'd like to stay with you. I want to make certain that everyone is safe and doing well here.” naisuklay niya ang daliri sa buhok.


“Your father needs you there too, the company, the employees. Hindi mo dapat isawalang-bahala ito especially this is the day na naatasan ka ng responsibilidad. Please, ‘wag mo akong idagdag pa sa iisipin mo. I will be okay.” tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.


Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now