Chapter Fourteen

74 2 0
                                    

-----


Confusion. That is what the artwork on the wall in front of me expresses. Isang babaeng nakasuot ng mahabang dress na may mga disenyo ng dahon ang nasa painting. Nakaupo ito sa duyan na nakasabit sa makakapal na sanga ng isang puno na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak. Her hair is being blown by the wind, makatanaw sa malayo.

Narito ako sa isang art museum upang libangin ang sarili. Visiting art museums has become my ultimate stress reliever because the therapeutic feeling it provides is unparalleled. Isa talentong meron ako ay ang mag sketch. Maraming nagtutulak saakin na gamitin ang talentong iyon upang makilala ngunit ako mismo ang may ayaw. I simply enjoy sketching as a hobby and I discovered that drawing allows me to express myself clearly.

Muli ay sinulyapan ko ang painting saaking harapan at mapakla akong ngumiti. This precisely expresses how I am feeling right now. Confused. Iba't-ibang emosyon ang aking nararamdam mula noong araw na iniwan ko si Nathaniel sa grocery kasama ng babaeng iyon. It seemed as if something inside of me had shifted. Pakiramdam ko ay magtatalo ang aking puso at isipan at may mga tanong na hinahanapan ko ng sagot.

Could I be falling for him? No? Why can't I get him off my mind? I don't know. Litung-lito na ako.

Then his beautiful face flashed through my mind.

This is your fault Mr. Alcantara. Bakit kailangan mong dumating at guluhin ang nananahimik kong buhay?

"So, you like art, huh?"

My heart skipped a beat. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig ni Nathaniel. Speaking of the pogi. Nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa then he walks towards where I was standing, looking so manly in a white long-sleeved polo with the sleeves folded to his elbows, cream shorts, and white shoes.

Nakatayo siya sa gilid ko bandang kanan, dalawang hakbang kung tatanyahin ang layo saakin. "Yeah. Ikaw din?"

"Yes." iniabot niya saakin ang isang disposable cup with lid na naglalaman ng blue lemonade. "For you."

Nagdalawang-isip akong tanggapin iyon. "No drinks allowed dito, ah. Bakit nagpasok ka ng ganyan?"

Nagkibit-balikat siya sabay sipat sa itim niyang relo.

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Don't tell me you own this place too?" I questioned suspiciously.

He chuckled. "No, a family friend owns this. Raidys' family to be exact."

Umasim ang mukha ko nang marinig ang pangalan na 'yon "This will most likely be my last visit to this museum." sagot ko sabay kuha sa lemonade na inalok kanina.

His smile reached his eyes. "Ganiyan ka pala mag selos."

Inirapan ko lang siya. Bahagya akong nagmasid sa paligid at naroon ang iilang kababaihan na nakatingin kay Nathaniel. May iba na lantaran ang kilig, may nakatanaw lang at may iilan na nakabuntot dito ngunit hindi man niya iyon alintana na para bang sanay na sanay na ito sa gano'ng eksena. I mean, there's no doubt about it because he's extremely attractive.

"Do you paint?" he asked as I turned to face him.

"No. I can only sketch but not paint. Hindi ako marunong gumamit ng brushes e." paliwang ko at paunti-unti ang lakad upang matingnan ang iba pang artworks na naroon. Siya naman ay nakasunod lang saakin. May lumapit nang guard upang pigilan ang mga babaeng sumusunod sakaniya dahil bahagya na silang lumilikha ng ingay.

"Can I see? I mean, your sketches kung may example lang naman." sumulyap siya saakin.

"Sure!" inilabas ko ang aking cellphone at mabilis na binuksan ang gallery. Sabay kaming tumungo at umupo sa bench sa may lounge part ng museum.

Trapped in a Maze of Lifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें