Chapter Nine

65 3 0
                                    

-----


"Paki-abot nalang po sakaniya kapag nakita niyo, Miss. Thank you po!"

Malapad ang aking ngiti habang naglalakad patungo saaking workstation. Ayon kay Linda, gaya ko ay 7am pumapasok ng trabaho si Nathaniel. Nakaisip ako ng magandang paraan upang maibigay sakaniya ang pinakamamahal niyang kape. Nuncang papayag ako sa date na inalok niya.

Napagdesisyunan kong pumasok ng maaga upang pumila at umorder ng drinks sa pinaka malapit na cafe, syempre para maibili ko na rin ang sarili ko. I decided to leave the drinks at the concierge because I knew our Cyber Security team's office was on the 12th floor. Pinakahabilinan ko ang receptionist na iabot ito kay Nathaniel kapag papasok na ito. Dinikitan ko pa ng sticky notes carrier ng kaniyang drinks para malaman niyang saakin iyon galing.

No. 😊

Iyon lamang ang nilagay ko sa note. Nangingiti pa ako dahil ginaya ko ang smiley na ginamit niya.

Nakatutuwa din dahil hindi man lang ako nahirapang ilarawan kung sino ang taong tinutukoy ko dahil kilalang-kilala na si Nathaniel sa buong office kahit bago pa lamang siya. Hindi rin nakakapagtaka dahil sobrang talim ng tingin ng lady receptionist saakin kanina nang ihabilin ko iyon sakaniya. He instantly became the "heartthrob" of our workplace. Why not? He has the kind of attractive looks that girls swoon over, and I am one of those girls.

'Am I?'

'Never!' kinontra ko ang sariling isip.

"Anyway, you did an excellent job, self." puri ko sa sarili at tinapik ang sariling balikat. "Problem solved!"



Nasa office lounge kami nina Karissa, Charlotte at Casey. This has become our favorite spot at work dahil sobrang nakakarelax magpalipas ng oras dito matapos ang nakakapagod at stressful na trabaho. May mga soft couches, T.V. na accessible para sa lahat, may coffee corner at sa kabilang sulok ay may massage chair. Dito rin kami minsan nag-titipon kapag ang isa saamin ay may problema o kung gusto lang namin mag palipas ng oras.

"I miss Tita Emily, kailan ba kami ulit makakabisita sainyo?" tanong ni Charlotte. Nakapatong ang binti nito sa arm rest ng couch.

Nagkibit-balikat ako. "Kayo, kailan niyo balak? Basta sabihan niyo lang ako ahead of time para makapag-linis ako ng kwarto ko."

Noong bago palang kami sa trabaho, automatic after shift ay sa bahay kami dumideresto para makapag chikahan o kaya naman sa mga cafes na madaanan namin. Well, they prefer sa bahay namin dahil mas malaya silang nakakapag -ingay kapag naroon kami sa kuwarto ko. My mom don't mind it at all dahil kaming dalawa lang naman sa bahay kaya mas gusto niya kahit paminsan-minsan ay may ingay sa bahay.

Recently, sa lounge kami lagi dahil iyon lang ang accessible na "tambayan" namin dahil nasa office lang naman ito.

"We're so busy recently kaya hindi tayo nagkakaroon ng time makapag-bonding." Nakaingos na sagot ni Karissa.

Kinandong ni Casey ang bag niya. "Yeah, basta mag-overnight ulit tayo kina Lorraine. Gusto ko ulit makita mga sketches niya." humagikhik siya.

Nag-pasok ako ng straw sa lid ng coke na hawak ko. "Just let me know at mag-hulog na ulit tayo ng 100 pesos everyday para hindi mabigat ang gastos natin." Iyon lagi ang ginagawa namin tuwing may overnight kami.

Nilingon ni Charlotte si Karissa at umupo na ng maayos. "Miss treasurer, let us know kailan ka mag-start mag-collet."

"I'll keep you posted."

"Anyway, ano nga ang nangyari?" baling ni Charlotte kay Casey sabay kagat sa chicken nuggets na nasa harap nito,

Oo nga pala nandito kami para pag-usapan ang problema ni Casey.

Bumuntong-hininga ang nakapangalumbaba na si Casey. "Huwag na huwag kayong maniniwala sa mga nag offer sainyo na investment like dodoble ang pera na ipinasok mo sakanila. I got scammed, girls!" bulalas nito.

"Tsk, Make sure you check to see if the link sent to you is legitimate next time.." paalala ni Karissa. "Magkano nawala saiyo?"

"I mean, 3k lang lang naman iyon but still, three thousand is three thousand. Dalawang araw ko din pagttrabahuhan iyon, 'no." nakasimangot na saad nito. "Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko ba't nagpauto ako sa mga nakikilala ko online."

Tumangu-tango ako. "We understand naman lalo na talagang dumarating sa point na gipit tayo that's why we sometimes have to make some reckless decisions. Ganito nalang, consider the bright side of what happened. Atleast, hindi ikaw ang napahamak, like physically. Ang pera mababawi pa naman 'yan – that's why we're here." pabiro kong sinuyod ng tingin ang office.

Nagtawanan kaming lahat. "Ano pa nga ba." ani Casey.

"Now, anong meron sainyo no'n?" Charlotte looked at me this time with suspicion in her eyes.

"Ano?" gagad kong sagot.

Nginuso nito ang direksyon sa may likuran ko at nilingon ko naman iyon. Nathaniel is there. He's slouched on the sofa, arms crossed at naka de-kwatro pa. May kasama itong morenong lalaki na ngayon ko lang nakita. Diretso ang maiitim na titig nito at mabilis na tinungga ang bottled water na kanina ay hawak. Nag-taas ako ng kilay at binalik ang tingin sa mga kasama ko.

'Problema no'n?  Hindi niya nagustuhan yung kape? Is he thinking about the date?'  ngumuso ako. "Hah! In your dreams!'

Hindi naman nakaligtas saakin ang tingin ng mga kaibigan na tila ba naghihintay ng kasagutan. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mahagip ng paningin ko ang ginawa ni Casey. Mahinhin niyang inipit ang buhok sa tainga at para bang nag-bublush ang pisngi nito habang nakatingin sa direksiyon nila Nathaniel. Ipinagkibit-balikat ko nalamagn iyon.

"Hello? May tao po dito." pumitik si Charlotte sa harap ko upang kunin ang atensyon ko.

"Wala, okay? Wala." giit ko at muling nilingon si Nathaniel na bigla nalang nawala. 'Luh, nasaan 'yon?

"Wala ka diyan, I saw what he did yesterday kaya 'wag kang magkaila." si Karissa.

Tinapik ni Casey ang aking braso. "Don't tell me magiging future Tita mo pa si Linda." kunwari pa itong kinilig at sabay-sabay silang humalakhak. Mabuti nalang at kami lang ang nandito sa lounge.

Sumandal si Karissa couch. "Masyado kang malihim, Lorraine."

Irap lang ang sinagot ko sakanila.

"You could've just told us you knew Linda's nephew." pinilantik pa ni Charlotte ang kaniyang daliri. "To be fair, he's a hottie."

"Malay mo kayo pala ang destined for each other. Bagay naman kayo." hindi parin tumigil si Casey at nag-apir pa sila ni Charlotte.

I smiled sarcastically at them. "Please lang, tigilan niyo na ang kakatukso, hindi na ako natutuwa."

"Come on, Lorraine. Kung wala lang iyon, hindi mo dapat isinisikreto saamin." pagpapatuloy ni Casey.

"Hindi iyon big deal kaya walang dahilan para ipag-sabi pa." Tumayo ako. "Tara na nga at umuwi na tayo." Inunahan ko silang maglakad at tinungo ang restroom.



Pakanta-kanta ako palabas ng restroom habang tinutuyo ang kamay gamit ang tissue pagkatapos ay nag spray ako ng alcohol. Nakahinga ako ng maluwag nang magpaalam ang mga kaibigan na uuwi na dahil may kaniya-kaniya silang lakad. I feel suffocated by their teasing na kahit nasa restroom kami ay walang tigil ang tukso at tanong.

"It seems like you're in a good mood."

"Ay palaka!"

Napatalon ako sa narinig. Nathaniel is there, once again leaning against the wall. Tinapik-tapik niya ang palad gamit ang kaniyang cellphone. May sa-maligno ba ang lalaking ito at kung saan-saan nalang sumusulpot?

"Are you ready for our date?"

Shit, this can't be happening!

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now