Chapter Fifteen

66 2 0
                                    

-----


Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan habang nakatingala sa building ng aming office. Nasa tapat parin ako ng gusali upang sana pumasok sa trabaho ngunit pakiramdam ko ay napakabigat ng mga paa ko kaya hindi ko magawang pumasok doon. I'm afraid I'll run into Nathaniel the moment I walk into the building. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguan sa oras na makaharap ko siya.

Will I spend my entire life playing hide and seek? Bakit nga ba sa tuwing may nangyayaring hindi ko inaasahan ay lagi nalang akong nagtatago? When will I have the courage to face and accept everything that's happening? Mabigat man sa loob ay pinilit ko ang sarili na pumasok at mag-trabaho at isantabi ang nararamdaman para kay Nathaniel.

"So, how's Tito? I haven't seen him since I returned to the Philippines."

That's Raidys' voice. Naglalakad ito sa malawak na hallway kasama ang lalaking nagpapagulo saaking sistema. Naka-angkla ang braso niya sa braso ni Nathaniel na nakatingin lang sa kawalan na tila ba malalim ang iniisip. They seemed like a lovely couple kaya naman lalung dumoble ang bigat na nararamdam ko. Malalaking hakbang ang aking ginawa upang makalayo.



Nakapangalumbaba ako saaking workstation at ang isip ay okupado parin ng nangyari kahapon. Nakapagulo. Hindi ko maintindihan. May pa-"date me" pang nalalaman tapos mauuwi din pala sa "Can we be friends?". Badtrip! Pinagsusuntok ko ang neck pillow na nakapatong saaking kandungan sa inis.

"Huy, maawa ka sa unan, hindi 'yan makakalaban saiyo." si Casey iyon.

Umingos ako. "Gusto ko nang mag-resign." iyon lang ang sinagot ko.

"Gaga, paano nalang yung inaasam mong promotion?" si Charlotte.

Yes, since joining this company, I've been aiming for the position of Workforce Manager. Last week lamang ay nag-submit na ako ng application form. I'm just waiting for our boss' email to tell me when I'll have my interview.

"Joke lang 'yon." pilit akong ngumiti.

"You seemed upset. Is there a problem?" humila ng isang swivel chair si Casey at umupo sa tabi ko. Hinarap niya ako. Puno ng pag-aalala ang mukha nito ngunit hindi ko mapigilang ngumiti. Why Casey is so pretty. Napaka-amo ng kaniyang mukha na para bang isang birhen. Saaming mag-kakaibigan, si Casey ang pinaka maputi, sumunod ako. Imagine, maganda kana tapos mabait pa. Hindi na kataka-takang maraming lalaki ang nagtatangkang manligaw sakaniya.

"Ayos lang ako. Pramis."

"I don't think so. Mamaya after shift, mag coffee tayo at magkukwento ka. Hindi kana makaka-hindi this time."  Nakapamewang na sabi ni Karissa.

Ayan nanaman si Karissa. Kahit kailan talaga napaka-bossy. Siguradong wala akong takas sa bruha na ito mamaya. "Fine." sumusukong sabi ko upang matapos na.

"Huwag na nating isama si Linda, for sure tatanggi nanaman 'yan." untag ni Charlotte na para bang nagpaparinig.

Tumangu-tango si Linda ngunit ang mga mata niya at nakatuon lamang sakaniyang computer. "You are correct. Kailangan kong umuwi agad at asikasuhin ang mahal kong pamangkin dahil umuwi daw ng lasing kagabi sabi Yaya Margie, iyong kasambahay niya."

Nanlamig ang palad ko sa sinabi ni Linda. Nangangati ang dila ko na magtanong kung anong nangyari ngunit sinikap kong pigilan ang sarili.

"Oh, why?" tanong ni Casey. "Is he okay?" usisa ni Casey at tumingin saakin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Ewan ko ba sa batang 'yon. He missed work today due to a hangover. His father will be furious, for sure." pumalatak pa si Linda.

I sneered. "Baka nag-away sila ng girlfriend niya." labas sa ilong ang pagkakasabi ko doon.

Trapped in a Maze of LifeKde žijí příběhy. Začni objevovat