Chapter Four

80 3 0
                                    

-----


"Good morning, polusyon!"

Uminat ako at humikab saka binuksan ang sliding door at humakbang patungo sa veranda. Ipinatong ko ang magkabilang siko sa railings doon at eksaheradang suminghot na siya ding pinag-sisihan ko. E paano, puro usok ng sasakyan at alikabok ang nalalanghap ko doon. Bahagya kong pinagpagan ang kulay pink na spaghetti-strapped silk sleepwear ko dahil sa mga dumadapong alikabok doon.

My room was located on the 15th floor of the hotel. This is my second day para sana magbakasyon. Naka-vacation leave ako. I was suppose to be with my college friend, Janine  pero ang gaga, hindi ako sinipot. Ito sana ang pangalawang beses na magkikita kami after graduating college. Napag-planuhan naming mag staycation dahil ang sabi niya, this week ay uuwi siya ng Pampanga mula Cebu, kung saan siya nagta-trabaho.

But, as most people say, shit happens. Her flight was delayed due to inclement weather, leaving me alone in this hotel room. Hindi ko na sana itutuloy ang staycation na ito mag-isa ngunit nanghihinayang ako sa perang pinambayad. Fully paid din 'to ah. Tsaka sayang ang free breakfast buffet. Bukas ng 12 noon ay magche-check out na rin naman ako kaya ilalaban ko na ito.

Di bale, magta-tumbling nalang ako dito maghapon hanggang sa matapos ang araw.

Bumalik ako sa room at pinatay ang aircon. Naglabas ako ng isang pares ng damit mula saaking rolling luggage para maligo at makababa para mag-almusal. Ramdam ko na ang pag-kalam ng sikmura ko.

Tumunog ang cellphone ko pagkatapos mag-apply ng conditioner sa buhok ko. Mabilis kong binanlawan at tinuyo ang kamay para sagutin ang tawag. Kinuha ko ang cellphone mula sa toiletries cart. Si Janine tumatawag. Bruha ka!

"Yes, kamahalan?" I asked after answering the call.

"Uhm, are you okay there, girl? I am sorry talaga hindi naman ako mang-iindian ng walang dahilan alam mo 'yan." apologetic ang boses niya at nakikinita ko ang pag-nguso niya.

I rolled my eyes. "I'm fine, nagkaroon din ako ng oras makapagpahinga dahil dito kaya, it's okay."

"Thank you girl, hanggang ngayon kasi sobrang lakas parin ng ulan e." dinig ko nga ang malakas na ulan at hampas ng hangin sa mula sa kabilang linya. "Don't worry, babawi ako kapag nakauwi ulit ako, okay?"

"And when is that going to happen? After another four years?" tinaas ko ang kilay na para bang nasa harap ang kausap.

"Lorraine naman e..."

Tumawa ako. "Joke lang, basta mag-iingat kayo diyan ha? Stay dry, girl. Gotta go, naliligo kasi ako." bumungisngis ako.

"Sure, see you soon, okay? Ingat ka din diyan at humanap ka ng boyfriend!"

"No thanks!" then I ended the call.

Tinuyo ko agad ang buhok pagkatapos maligo. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang itim at mahaba kong buhok which is my go-to hairstyle. Light make up lang ang nilagay ko dahil hindi na ganoon kailangan ng mata ko ng super kapal na eye make up. I can always apply a light brown shade of eye shadow to my almond-shaped eyes. Also, my long lashes are enough para magbigay buhay sa mukha and that also gives me a natural cat-eye look.

Matangos ang ilong ko. Maputi and has natural red lips. May-iilan pa nga na minsan ay sinasabing parang ka-shape ng Bratz ang labi ko. Yes, that's true but my lips are not as thick as  Bratz's. Sakto lang.

I wore a white tank top with high waisted denim shorts. Pinarisan ko iyon ng white flats. Isang sulpyap pa ang ginawa ko sa salamin and I am good to go.

Binulsa ko ang keycard at ang cellphone at dumareto sa elevator. The breakfast room is on the ground floor, so I'm sure there are a lot of people there. At nagkakamali ako. Iilan pa lamang ang mga tao na naroon which is okay na din, para mapayapa akong makapag-almusal. Pumwesto ako sa gilid and enjoyed the pool view. The atmosphere is extremely gloomy and I can already feel the chill of the air on my skin.

I went to the buffet and handed the receptionist my voucher for free breakfast. Malaking plato ang dinampot ko at naglagay ng sausage, sunny side up egg, bacon at coleslaw na una kong kinuha. After that, I brewed a coffee and took a creamer and sugar. Nang makabalik sa pwesto ay tinusok ko ang sausage at malaki ang kagat na ginawa. Napapikit pa ako habang ngumunguya upang namnamin iyon.  

"This is heaven!" ipinagpatuloy ko lang ang paglantak sa pagkain sa harap.  Nang maubos ay napasandal ako sa upuan at hinimas ang tiyan. Busog na busog ako.

Naisipan kong kunan ng video ang paligid habang pinapababa ang kinain. I began filming everything from the pool area to the entire breakfast room. Napakunot-noo ako nang may mahagip na kung sino ang video. Muli ay tinapat ko ang cellphone sa taong iyon at zin-oom ang camera. Nanlaki ang mata ko nang makilala. 

Nathaniel Felix!

Mukhang naramdaman niya yata na may nakatingin sakaniya kaya siya bumaling ng tingin sa direksyon ko. He placed the coffee mug on the glass table and his brow wrinkled. Bigla akong naalarma kaya iniwas ko ang cellphone mula sa pagkakatapat sakaniya at sinikap iyon saaking bulsa. And now he's walking towards me!

Run, Lorraine! utos ko sa sarili ngunit ang mga paa ko ay parang napako lamang doon at hindi maigalaw.

"You did not even try to hide that you were filming me." anang baritonong boses ni Nathaniel. Naroon na siya sa tapat ko at tiningala ko siya.

Nakagat ko ang labi nang mataman siyang tumitig sa mata ko. Those  pair of deep and dark eyes again! Nakasuot siya ng black button down polo paired with a beige short. Nakabalandra ang mahaba at masculine niyang binti na mas lalu pang na enhance ang kaputian because of his black flip flops. He appears dreamy thanks to the wind that's blowing his hair. God, he's probably the most attractive and hottest man I've ever seen.

"And now, masyado mo namang pinahalata na nawili ka sa pagtitig sa mukha ko. Have you memorized my face by now?" he smiled lopsidedly.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sinigurado ko lang na ikaw nga talaga yung officemate ko." palusot ko.

Umupo siya sa tapat kong upuan. "Are you alone?"

"Yes, I'm alone and I'd better keep it that way kaya makakabalik kana sa pwesto mo." pagtataboy ko sakaniya.

Ngumisi lang siya ng ng nakakaloko at hindi ko alam bakit biglang kumulo ang dugo ko. "Ang sabi ko, makakaalis kana."

He shrugged. "I just thought you'd appreciate some company, which is why you're recording me. You could have just said it kaysa naman nag-mumukha kang stalker diyan kaka-video saakin." ngising aso pa ito.

"Hindi rin makapal ang mukha mo 'no?" napairap ako dahil sa kahanginan ng hudyo na ito.

"Nope. Just giving you a favor." 

Ang kapal talaga!

"Bye, ako nalang ang aalis!" Marahas ang pagtayo na ginawa ko at humakbang upang sana layasan siya  ngunit sumabit ang paa ko sa isang paa ng lamesa at doon ay nawalan ako ng balanse. I closed my eyes at hinintay ang pagbagsak but a pair of powerful arms prevented me from falling.

Trapped in a Maze of LifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ