Chapter Eight

79 4 0
                                    

-----


Pabagsak kong binitawan ang mouse ng aking computer at napakamot saaking sentido. "Kakayanin ba today?" inis na bulong ko dahil simula kahapon ay nag lo-loose na ang mouse ko. Ngayon ay tuluyan na itong bumigay at hindi na talaga magamit.

"Mag file kana kasi ng mouse replacement." ani Karissa.

"Oo na eto na nga. Nang hingi lang ako ng permission kay Madam" ang tinutukoy ay ang aming manager. Nilapitan ko ang table nito upang maki-gamit ng computer at mabilis na nag file ng ticket upang nakahingi ng I.T. assistance.

I decided to read the book I had on my desk while waiting for an I.T. support. Nakaugalian ko nang magdala ng libro sa office upang may mapaglibangan ako tuwing break time o kung walang mga pending tasks sa trabaho. Hindi ko rin naman magulo ang mga katabi dito dahil busy sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Ang gwapo, hoy!!!

"OMG! My baby is here!"

"In-love na yata ako sakaniya!"

Biglang umugong ang mahingang bulong-bulungan, may impit na tili at kung anong klaseng ingay ang aking narinig.

"Please huwag masyadong maingay, some of your coworkers are on call." dinig kong sita ni Madam sa mga nag-ingay.

Iritable akong nagtaas ng tingin upang alamin ang dahilan ng ingay. Halos magkanda haba ang leeg ng mga kababaihan at kabaklaan na nakatanaw sa may pinto ng aming office room at nilingon ko din iyon.

Our office is covered with glass panels so you will see if someone is about to enter. Then there's Nathaniel Felix Alcantara, who walks confidently as if he owns the place. Nakakaunot ang noo nito at nag-isang linya ang makakapal na kilay na para bang may hinahanap then he looked in my direction.

Nag-rigodon ang puso ko nang magtama ang aming paningin. Kumislap ang kaniyang mata at sumilip ang bahangyang ngiti sa mga labi nito. He walked towards me without breaking eye contact.

"Papunta siya dito!" niyugyog ako ni Karissa at pigil ang tili. Tumikhim ako at umupo ng maayos. Pinalakihan ko ito ng mata. "Maghunos-dili ka, baka nakakalimutan mong may jowa ka." sita ko rito.

"Iti-text ko nga si Andrei." Pakunwari pa ay bubunutin ni Charlotte ang cellphone mula sa bag. Nangingiti pa ako na nakatingin sa maganda niyang mukha ni Charlotte na may pilyang ngisi. Maputi siya ngunit hindi kasing-puti ni Casey. Si Casey kasi ay mukhang lumalaklak ng zonrox sa kaputian. Bagay na bagay ang kulay ni Charlotte sa mahaba at brown niyang buhok. She has almond-shaped eyes. Cute at medyo pointed ang nose and she has natural pink lips.

Magpa-kulay din kaya ako ng buhok?

"Hi Tita!"

Muli akong nag-angat ng tingin when I heard that familiar baritone voice. Nakatayo ito sa likod ni Linda.

"How are you my pamangkin? I've missed you!" bulalas ni Linda at niyakap si Nathaniel. "Bored ka nanaman ba sa trabaho mo kaya't naglakad-lakad ka?

Sabay silang tumawa. "I'm just filling in for Tech duty today since mayroong urgent meeting ang I.T. team natin."

My jaw dropped open as I realized what had happened. Si Nathaniel ang pamangkin ni Linda?! Now I understand why he is so familiar to me. Posibleng nakita ko na ito tuwing bibisita kami kina Linda, or baka nakita ko ito sa mga family pictures nila since Linda enjoys sharing their photographs whenever there is an event at their home or for no apparent reason.

So, pamangkin ng kaibigan ko ang lalaking naka engkwentro ko noong minsan? At ang naging boyfriend ko for less than twenty-four hours? Kapag sinuswerte ka nga naman. 

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now