Chapter Three

90 1 0
                                    

-----


"Stay out of this, dude. We're talking here." maangas na sabi ni Daniel habang palipat-lipat ang turo niya sa sarili at saakin.

"Nah, I don't think so." sansala niya at bumaling saakin. 

Here he is again, his gorgeous self. He's dressed casually in a brown long-sleeved V-neck shirt tucked into ankle slacks. Sunrays are illuminating his skin, making him appear even more radiant. How come this man is so attractive? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan habang nakatitig dito. What is happening to me? Okay, ni hindi ko pa alam ang pangalan nito kaya tigilan ang kung anu-anong pumapasok sa isip. Kinagat ko ang aking labi at ibinalik ang isip sa kasalukuyang nangyayari.

Bakit ito narito at nakikialam? Anong kailangan nito?

"Come on, man! Sino ka ba? Don't tell me ikaw ang bago nito?" tuluyan akong bumalik sa huwisyo nang marinig ang boses ni Daniel.

"What?!" bulalas ko.

Nag kibit-balikat ang lalaki at ngumisi ng nakakaloko. Mabilis na dumapo ang kamao ni Daniel sa mukha nito dahilan upang mawalan ito ng balanse. Bumagsak ito sa sementadong daan at napatukod ang palad niya sa lapag.

"What the hell?!" nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Mabilis kong dinaluhan ang lalaki. Nakangisi parin ito habang hinihimas ang panga. "I'm sorry, Sir." hinging paumanhin ko dito. My God, nakakahiya!

Kumaway ako at kinuha ang atensiyon ng mga guwardiya sa may entrance ng gusali. "Kuya, tulong please!"

Binalingan ko ang walang hiya. "Are you serious, Daniel? I-lugar mo naman ang pagiging unreasonable mo. Tingnan mo ang ginawa mo, nandamay kapa ng inosenteng tao!" I'm so mad. I'm furious. "Please get out of here!"

"Oh yeah, talagang nakahanap kana ng iba." mapait nitong sagot sa halip.

"Stop assuming things, Daniel. Now, get lost!" pagtataboy ko sakaniya. Umiling ito at tinapunan ng masamang tingin ang lalaki bago tuluyang umalis.

Muli kong nilingon ang lalaki na ngayon ay tinatanggihan ang alalay ng mga guwardiya sakaniya. May bahagyang dugo ang gilid ng labi nito at bigla akong na-guilty. Hinawakan ko ang braso niya at hinila papasok ng building. "Pumunta tayo sa clinic para magamot 'yang labi mo." Malamig kong sabi. I tried to appear tough because what happened earlier was so embarrassing.

Nagpatianod ito sa paghila ko sakaniya.  Nakarating kami ng clinic at mabilis na dinaluhan ng nurse on duty. Mabuti nalang kahit weekends ay open parin ang clinic sa trabaho.

Umupo ako sa may couch habang hinihintay si ano, si kuya sa elevator. Ano ba kasi pangalan ng lalaking 'to? Umay nako kakatawag sakaniyang "lalaki sa elevator".

Inilibot ko ang tingin sa buong clinic at nahagip ng paningin ang logbook sa desk ng nurse. Naalala kong nag-log nga pala ito bago in-assist ng nurse. Pasimple akong lumapit sa desk at tipid na binuksan ang logbook. Sinilip ko ang pinakahuling pangalan na naka-lista doon.

"Nathaniel Felix Alcantara..." I mumbled his name. Sino ka diyan, ang gwapo ng pangalan ng lolo mo. His lovely name complements his dashing appearance, in all fairness.

"Nathaniel Felix Alcantara... Nathaniel Felix Alcantara... Ang yummy naman ng pangalan niya." Then again, his name rings a bell. Yung mukha familiar, ngayon yung pangalan naman. Nanggigigil na ako sino ba ang lalaking 'to? Kakilala ko ba ito sa alternate universe? Now I'm over thinking. I'm not going to stop until I discover where this man came from.

"Have you fallen in love with my name?"

Napakislot ako at dali-daling tumingin sa pinanggalingan ng boses. "Kanina ka pa tapos?" balik-tanong ko. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at ngumisi kaya naman lumitaw ang hindi kalaliman at medyo mahaba na dimples nito. If you look closely, parang laughline lang ito.

Trapped in a Maze of LifeKde žijí příběhy. Začni objevovat