Chapter Eighteen

48 2 0
                                    

-----


"Good afternoon, folks. The program will begin shortly, so please make yourself comfortable." the emcee paused at sinuyod ng tingin ang buong function hall. "The buffet is ready kaya magpakabusog muna kayo habang naghihintay."


Ginaya ko ang ginawa ng emcee. I looked around the entire function room, taking in the breathtaking view. Ang malawak na entablado ay may malalaking speakers sa magkabilang gilid at dainty lights ang nagbibigay liwanag doon plus large and sparkly chandeliers that add to the beauty of the place.


The cream interior screams a majestic vibe to the whole place. May mga waiters at waitresses na naka-abang at nag-aassist sa mga panauhing kumukuha ng makakain sa buffet section. There are white round tables that seat around 6-7 people all over the place, as well as metal chairs with high backrests. May mga flower vase pa sa gitna ng lamesa at nakalapag ang mga mukhang mamahaling plato at kubyertos.


May kaingayan ang palagid dahil sa halos mapuno na ng tao ang function hall at sumasabay pa ang music mula sa speakers. Halos lahat ng employado ay naroon maliban sa mga employee na graveyard shift kaya naman may option na mapanood ang pagtitipon na ito virtually.



"Come girls, kain na tayo." paanyaya ni Charlotte. Her long dress goes well with her brown hair, which is pulled back in a messy bun.


Sumunod kami sakaniya at nagtungo sa buffet section. Isang slice lamang ng cake at orange juice ang kinuha ko. Umupo kami sa may bandang gilid at may mini fountain pa doon.


"Ang pretty mo today, girl." sinuyod ako ng tingin ni Charlotte na may hawak na glass ng whiskey. Nakasuot ako ng brown fitted spaghetti strapped dress na above the knee ang haba kaya na-enhance ang hubog ng katawan ko. Pinatungan ko iyon ng croptop knitted cardigan dahil puno na aircinditioner and buong function hall. My long black hair was styled in a medium wave.



"You as well, girl. Hindi tayo magpapa-kabog today." maarte pa akong nag-hair flip.


"Cheers!" hiyaw niya sabay tungga sakaniyang whiskey.


"Hoy, Charlota hinay-hinay sa pag inom ng alak, baka hindi pa nag-uumpisa ang program ay lasing kanang agad." sita ko sakaniya. Malakas ang tolerance ni Charlotte sa alak ngunit kapag nalasing ito ay nag-iiba ang anyo niya.


She rolled her eyes. "Come on, Lorraine. Why don't you try na uminom ng alak kahit minsan? We're twenty-five for God's sake! Ang tanda mo na takot na takot ka parin sa alak."


"Hello? Ang pangit kaya ng lasa ng alak." I recall my first attempt at tasting a beer. Birthday iyon ni Ate at napag-katuwaan na patikimin ako ng alak. Hindi pa man sumasayad sa lalamunan ko ang alak ngunit agad ko din iyon niluwa. Simula noon ay hindi na akong nagtangkang muli dahil hindi talaga kaya ng sikmura ko ang lasa no'n.


Casey tapped my shoulder. "Hayaan mo na, Charlotte. Don't you like it, good girl ang kaibigan natin. No wonder, na-inlove sakaniya si boss." sabay-sabay silang humalakhak. "Diba, Linda?"


Tipid na tango lang and isinagot niya.


"Walang-hiya talaga kayo! Mga bruha!" parang bata na nagmamaktol na bulyaw ko sakanila.


Nanunuksong tingin naman ang binigay saakin ni Karissa. "Did you dress up to impress Nathaniel?" kumindat siya at hinaplos ng daliri ang kaniyang falsies.


Tinampal ko ang braso niya. "Stop it!" bulyaw ko at naramdaman ang pag-iinit ng pisngi.


"I'm sure maglalaway nanaman si boss kapag nakita ka." hagihik ni Casey.


Trapped in a Maze of LifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя