Chapter Five

79 3 0
                                    

-----


"Careful, babe..."


I opened my eyes when I heard Nathaniel's raspy voice. And again, I'm looking into his gorgeous eyes. Napalunok ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa mukha ko at pakiramdam ko ay may kung anong nag-wawala saaking tiyan, nakakakiliti. Doon ko napagtanto na nakakapit pala ang mga braso ko sa batok niya and his arms are wrapped around ng waist.


He inhaled deeply at saglit na tumitig sa mga mata ko. Dumako ang tingin niya sa magkabilang pisngi ko at tumigil iyon saaking labi. Our faces are so close together na kaunting galaw lamang ay siguradong magdidikit ang aming mga labi. 


"O-okay na. Pwede m-mo na akong bitawan..." sabi ko.


Hindi siya kumibo. Bahagyang kumunot ang noo nito at hindi naawat sa pag-titig saakin. Nakagat ko ang labi dahil sa sobrang nakaka-concious at nakaka-intimidate niyang titig. Hindi ko masalubong ang kaniyang titig kaya naman kailangan kong kumalas bago pa ako mawala sa katinuan!


"A-ang sabi ko, uhm, pwede mo na akong bitawan." maliit pa sa langgam ang boses ko.


He smiled. "No, no. I'd like to stay this way for a while..." he whispered at dumampi ang mainit niyang hininga sa pisngi ko.


"H-ha?" parang engot na sagot ko. "B-bakit ano-" napatalon ako nang may marinig akong kumalabog. Sinuyod ko ang paligid at sa tingin ko ay mula sa labas nanggaling ang ingay. Dahil doon ay mukhang bumalik ako sa huwisyo ngunit itong si Nathaniel ay tila hindi man natinag.


Kailangan kong kumilos!


Dahan-dahan kong tinanggal ang pagsalikop ng mga kamay ko sa batok niya. Hindi sinasadyang nahaplos ko ang batok niya and I heard him groaned! Tumiim ang kaniyang bagang and I can see goosebumps forming from his nape to his neck.


Parang napapaso ang pagbitaw na ginawa niya saakin at umatras. Siya na mismo ang humaplos sa sarili niyang batok. 


"Oh, fuck!" he muttered at bigla nalang akong tinalikuran at lumabas ng breakfast room.


"What did I do?" bulong ko habang pinapatahan ang nagwawala kong dibdib.



I turned on the T.V. nang makabalik ako sa hotel room. Naglabas ako ng chips at pin-lay ko ang isa sa mga paborito kong movie, ang The Notebook. Trip ko sana mag senti at mag iyak-iyakan ngunit hindi ko na-absorb ang mga nangyayari sa palabas. My mind is wandering somewhere in this resort hotel.


Sa dinami-rami ng mga tao, bakit si Nathaniel pa ang narito? Ngayon ay hindi siya mawala sa isip ko at ang magaganda niyang mata. Bakit bigla nalang 'yon nag-tantrums kanina? Umiling-iling ako. Kailangan kong libangin ang sarili kaya naman, inabot ko ang rolling luggage at pinatanong sa couch sa tabi ng kama. Sumunod ang mga nakakalat kong gamit at ang white tote bag ko. Uumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit para mabilisang check out ang gagawin ko bukas.


Hindi ko namalayang nakatulog ako habang nag-liligpit. Nagising lamang ako sa alarm ko and it's now 5:30pm. Sumilip ako sa glass doors sa bandang veranda at kita ko ang bahagyang madilim na kalangitan. Papungas-pungas akong pumunta ng CR upang mag-hilamos ng mukha at mag-mumog then I went straight to the kitchen.

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now