Chapter Ten

66 2 0
                                    

-----


"Come with me," he stated.

Inabot niya ang aking kamay at hinila papunta sa may lift. I froze when his warm hands touched mine. Nagpatianod lamang ako sakaniya habang ang mga mata ko ay nakatuon sa magka-hawak naming kamay. It gave me an unexplainable feeling that made my heart pound violently. My knees began to tremble kaya napakapit ako nang mahigpit sakaniyang kamay upang kumuha ng suporta.

I sensed him grinning at naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

Okay, okay. Calm down, Lorraine.'

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Si Nathaniel lang naman ito, bakit kailangan kong magkaganito? Bahagya kong tinapik ang aking pisngi at napa "aray" ako dahil napalakas iyon.

"Hey, bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" takang tanong nito, hindi ko namalayang nasa car park na kami.

Binawi ko ang kamay ko sakaniya at bahagyang umatras. "A-eh, may lamok kasi." palusot ko.

Pagak ito tumawa. "Hop in." he cocked his head to the side as if directing me to enter his car. It's a shiny, black Ford Mustang, and I'm pretty sure it's a sports card based on it's design.

Grabe, almost three years na akong nagta-trabaho dito hindi ko man lang ma-afford bumili ng sasakyan samantalang siya new hire palang naka Ford na agad? Ang unfair ng buhay, bulong ko sa isip dahil hindi ko maiwasang hindi mamangha since pangarap ko ang makabili ng sariling sasakyan. Thank you, Mr. Alcantara, for making me realize na sobrang gastos ko pala kaya wala akong naiipon.

"Wow, I'm a century old now."

Napapiksi ako at tiningala siya. "Sorry, eto na nga– ay wait. Saan pala tayo pupunta?"

He combed his hair frantically with his fingers na para bang nauubusan ng pasensya. "Pwedeng sumakay ka muna?"

"Okay, uhm Sir -"

"You knew my name, so address me as such."

Pinatirik ko ang mata at padabog akong umupo matapos niyang isara ang pinto at saka naman siya umikot patungo sa may driver's seat at umupo.

"Kung may balak kang kidnap-in ako, 'wag mo nang ituloy dahil wala akong pang ransom." maktol ko habang kinakabit ang seatbelt.

"May date tayo, remember?" ngising-aso ito.

"Whatever." umismid ko at binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Pagbibigyan ko na siya para matigil na sa kaka-kulit.

Sa may isang café kami huminto at manghang pinagmasadan ang napaka gandang exterior nito. It has a contemporary feel to it. It is a black and gold color scheme with glass panels covering the walls. Ang bawat gold color nito ay may mga ilaw na kumukititap kaya mas lalu itong nagmumukhang magara.

'If only I had my drawing supplies with me, I would have sketched the stunning view in front of me.'

Marahang pinark ni Nathaniel ang sasakyan at tangkang bubuksan ko ang pinto ay pinigil niya ako. "No, let me." He jumped out of the car and held open the door for me.

Ang lolo mo, nagpapa andar! tili ng malanding bahagi ng aking isip.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Err– matutulog? Matutulog tayo sa coffee shop." pilosopo niyang sagot, nagpatiunang tinungo ang entrance ng café.

"Aba't –" umiling ako at lakad-takbong sumunod dito.

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now