Chapter Twelve

66 4 0
                                    

-----


“At bakit hindi ka nagpakita kahapon, babae?”


Tamad kong nilingon si Casey na naka-pamewang sa harapan ko. Pagkatapos ay itinuon ko ang tingin sa nakatuwid kong binti na nagtataas-baba, sumasabay sa galaw ng massage chair. Kasalukuyang akong nagpapahinga sa massage chair, nakapatong ang mga braso sa arm rest habang nakapangalumbaba. I chose to spend my one-hour lunch break in the lounge upang makapag-isip. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay minumulto ako nga mga salitang binitawan ni Nathaniel kahapon.


‘Don't force me to do something stupid na baka pagsisihan mo.’


Ang mga katagang binigkas niya ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko. What does he mean by that? Pinagbabantaan niya ba ang buhay ko? I shouldn't be worrying about it, but I can't stop thinking about it.


“Hello? Is anyone here?"  umupo si Casey sa upuan sa tabi ng massage chair. “Sino ‘yong lalaking sumagot sa tawag mo kahapon?”


“Where’s Karissa and Charlotte?” balik-tanong ko.


“Huwag mong ibahin ang usapan.” bahagya niyang tinampal ang braso ko.


I rolled my eyes at umupo ng tuwid. Ang babaita ay hindi talaga tumigil kaka-usisa. “Muntik na akong na hold up kahapon, buti nalang nabawi ko ang gamit ko.”


Mukha namang naniwala ito dahil biglang naging concerned ang expression ng mukha niya. “Really? Are you okay?  Hindi ka naman ba nasaktan? Na ireport mo ba sa pulis? Saan kaba kasi nag-susuot?”


Ikinwento ko ang nangyari minus Nathaniel. “I'm fine, there's no need to call the cops.” ngumiti ako ng tipid.


“Are you sure? Hindi mo ba namukhaan yung nag-attempt mang snatch sayo?” tanong niya.


"Okay lang talaga ako.” I assured her with a smile.


Huminga siya ng malalim. “Fine. Just be careful next time.”


Tumango ako.


Mataman akong tinitigan ni Casey. “Nathaniel was looking for you yesterday. Nakausap mo ba siya?”


“Ha?” napa-awang ang bibig ko sa tinuran niya.” “U-uhm, hindi naman. Bakit daw niya ako hinahanap?”


“I don’t know, pagkasabi naming tapos na shift mo e agad din siyang umalis. Is there something wrong, Lorraine?”


“Wala, promise. Hindi ko din alam bakit niya ako hinanap e.”  I know I sound stupid right now, but I just can't reveal anything dahil wala namang dapat i-reveal.


Umiling si Casey. “Mukhang wala kapa sa mood mag kwento. Iiwanan na muna kita para makapag-isip ng maayos.” hinaplos niya ang braso ko.


“Huwag mo nalang muna siguro ipag-sabi yung nangyari.” Alanganin ang ngiti ko.


“Sure.” Tumango siya. “See you later.” Tumalikod siya at lumisan.


Hinatid ko siya ng tingin palabas sa lounge at napa buntong-hininga. One thing I love about Casey is that marunong siyang makiramdam. Hindi mo na kailangan mag kwento upang maintindihan na may iniisip o pinagdadaanan ka. Mabuti nalang at may kaibigan akong mapang-unawa.




Sinipat ko sa compact mirror ang aking mukha upang siguraduhing mukhang tao parin ako. Nag-apply ako ng kaunting tinted lip balm at sinuklay ang maiitim at mahaba kong buhok. When I was satisfied with my look, I smiled.


Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now