Chapter Eleven

75 3 0
                                    


-----



Tatlong araw mula noong tinakasan ko si Nathaniel nang isama niya ako sakaniyang café at mula din ng araw na iyon ay hindi ko nakita kahit anino niya sa office- ay hindi, nakita ko ito minsan ngunit agad ko siyang napagtaguan. That's also a lot better. Naging disaster ang "date" ng araw na iyon alam kong hindi maganda ang inasal ko na basta-basta nalang siya tinakbuhan. After what happened, I'm not sure if I could face him, and I'm sure he didn't like what I did either.


Eh, hindi ko kinaya kagwapuhan niya, e. depensa ng unreasonable na bahagi ng aking utak.


"Thank you, Ma'am Carol!" ngumiti ako at sabay kuha sa inabot na box ng staff na kausap ko mula saaming recruitment team.


Pababa ako mula sa 14th floor kung saan kinuha ang ni-request kong company I.D. lace dahil nasira ang saakin kahapon. Sakto naman ang pagkasira nito dahil every anniversary namin ay nagpapalit kami ng I.D. lace. Matagal-tagal na din ang serbisiyo nito kaya bumigay na.


"You can send it to my email, and I'll look into it."


Awtomatiko ang paghinto ko sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na nagpa-sikdo saaking dibdib. Luminga-linga ako upang humanap ng matataguan. My eyes were drawn to the stack of boxes outside the inventory room, so I quickly hid behind them. Isinilip ko ang isang mata at nakitang may apat na matatangkad na lalaki sa hallway- kabilang si Nathaniel, ang tatlo ay paniguradong foreigners dahil sila ang aming client from U.S. na kapwa may bitbit na briefcase at folders.


"Barkadahin daw ba ang mga clients namin?" mahina kong sinabi habang patuloy lang ang pagtatago sa likod ng mga kahon. Sinigurado kong wala na ang mga ito bago akong umalis sa pagkakatago.


"Phew!" pinunasan ko ang naumuong pawis saaking noo gamit and likod ng palad. Successful ang pagtatago ko sa mokong na 'to.



Si Casey ang unang bumungad saakin pagbalik ko saaking workstation. "Saan ka galing?"


"Nag-claim ako ng I.D. lace." dinampot ko ang aking mouse pad at ipinamaypay iyon. Ramdam ko parin ang init at lagkit mula sa pawis na idinulot ng pagtatago ko kanina.


"Hindi mo man lang kami niyaya para sana sumabay na ako." ngumuso siya.


"Sorry na. Nasira kasi yung lace ko kaya biglaan lang ang pag-kuha ko."


Napalingon ako kay Karissa nang kalabitin niya ako. "Eat out daw after shift sabi ni Madam." paanyaya nito.


"Sumama kana, ia-advance daw natin yung celebration ng anniversary natin." paliwanag ni Casey. Yes, our third year at work will be next month.


"Sure!" excited kong sagot. "Akalain mo 'yon? Natagalan natin sa kumpaniyang 'to?" biro ko.


"Ikaw ba namang may boss na super generous at mga kasamang hindi toxic, for sure ay wala kang po-problemahin." ngisi ni Charlotte.


Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now