Chapter Seven

77 3 0
                                    

-----



"Make sure na nasa conference room na kayong lahat by 11am. Understood, team?"

"Noted, Madam!" sabay-sabay naming sagot sa reminder ng aming manager. Lumabas ito ng office room at sinundan ko lamang siya ng tingin. Marahil ay mauuna na ito sa conference room at doon ivi-video call ang jowa nitong Afam.

"Psst, Lorraine." ininguso ni Charlotte ang pintuan kung saan lumabas si Madam. "Call center nanaman ang ganap ni Madam niyan, 'no?"

Sabay-sabay kaming napahagikhik nina Charlotte, Karissa at Casey. "Matic na 'yan, pustahan mamaya sa meeting puro lovelife lang niya topic natin." pakikisakay ko sa sinabi niya.

"Alam niyo naman, baguhan palang kaya pagbigyan niyo na. Saan niya nga ba nakilala yung Afam niya?" sabad ni Karissa.

"Ang alam ko sa Facebook niya nakilala 'yon at ang chika pa nga –" hindi na ituloy ni Casey ang sasabihin nang sumabat si Linda.

"Naku, kayo talagang mga babae kayo, hindi na kayo natigil sa kakatsismis diyan kay Madam. Double time! May mga trabaho pa tayo." pabiro pang pumalakpak si Linda.

Maarteng umirap si Karissa. "You're so KJ, Linda." anito na ikinatawa namin.

Nang sumapit ang alas-onse ng umaga ay sabay-sabay naming tinungo ang conference room. We always hold a monthly team meeting to discuss new updates, work processes and strategies upang ma-maintain ang standing ng aming team at minsan ay na uuwi lang sa tawanan at tsismisan. Naupo ako sa isang swivel chair, katabi ang mga kaibigan and I set my notepad and pen down at the conference table where I will take notes.

"Good morning, team," iyon ang paunang-bati ni Madam.

Siniko ako ni Karissa at bumulong. "Ano kaya ang latest chika?"

"Makinig ka nalang," iyon lang at itinuon ko ang focus kay Madam na nag-sasalita sa harap.

"Recently, we have been in disagreements about our schedules, so I made a decision. To avoid conflicts, I decided na ang schedules natin ay based sa performance. Hindi ata naging maganda ang kinalabasan nang bigyan ko kayo ng freedom sa pagpili ng sche-"

"Pero Madam," naudlot ang eksplenasyion ni Madam nang sumingit ang isa sa mga teammate ko, si Allyson. Tumayo ito na nakataas ang isang kamay.

"Alright, here we go." naiiling na bulong ni Casey at ako naman ay napakamot nalang sa sentido.

Allyson is reputed to be an attention-seeker. Sa lahat ng bagay ay mayroon ito laging komento o kaya naman ay puro reklamo. She enjoys making up stories and will gossip about them. Natatandaan ko pa no'ng minsan na gumawa ito ng gulo. She accused me of stealing her purse. Ipinadala pa niya sa aming HR ang nangyari at doon nag-iiiyak. Ang ending, napatunayan din na sinet-up niya lang ako at nakuhanan iyon ng CCTV footage. Nang tanungin siya bakit niya iyon nagawa, wala naman siyang maibigay na paliwanag. Starting that day, I began to distance myself from her.

"Masyado ka kasing papansin. Kapag ikaw hindi pa nadala, ewan ko nalang saiyo." iyon ang huling sinabi ko sakaniya. She should have been fired for what she did, but she was given a second chance. Pero matigas talaga ang mukha ni Allyson at hindi parin tumigil sa pagiging papansin at taklesa. Gaya ngayon.

"I am so sorry to interrupt, Madam." maarteng sabi nito. "I don't think it's fair na performance-based ang magiging schedule namin." ngumuso ito na parang isang bata at pina ikut-ikot pa ang buhok.

I can't help but scoff in annoyance. What's wrong with this girl?

She gave me a side-eye glare at irap lang ang sinagot ko sakaniya. "It's so unfair dahil may iilan saamin na malayo ang uuwian, gaya ko. I can't afford na umuwi ng disoras dahil mahirap ang biyahe. Paano naman yung teammates naming may mga anak? Yung mga walang sariling sasakyan? Ang traffic palang ay hassle na. Mukhang tinatanggalan niyo na ng karapatan ang mga employees niyo."

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now