Chapter 4

34 1 0
                                    

"Aya, sigurado ka bang ayos ka lang dito?"

"Oo naman! Ano ka ba!"

Tinitigan akong maigi ni Shemia, "Ang weird mo ngayon este mas naging weird ka ngayon."

"Acla ka! Hahahah! Ayos lang nga. Mag-enjoy kayo ni Thim ha! Huwag muna bubukaka. Second year ka palang."

Binatukan niya ako, "Gaga ka. Bahala ka na nga dyan. Maglock ka ng pinto ha."

"Oo na nga! Basta uuwi kang mag-isa lang at walang lumalangoy na sperm sa sinapupunan mo."

"Aya!" Nagtawanan kaming dalawa.

Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik, "Mag-iingat, Shemia malandi."

"Tingina mo talaga," kinurot niya ang braso ko. "Ikaw ang mag-iingat. Pagmay kailangan ka alam ko naman na kahit ipagtabuyan ka ng tulong ipupursue mo parin."

"Aba syempre! Ako ata ang damsel in distress na iisa lang ang gustong knight and shining armor."

"Si Worth!" Inirapan ako ni Shemia.

"Malamang!" Sekondemosyon ko.

"Bahala ka sa buhay mo. Huwag mo lang gayumahin 'yong tao."

"Ay naku Shemia! Lumayas ka na." Tinawanan niya ako habang hila-hila ang maleta sa labas.

Paglabas namin magkasama si Thim, Worth at Xyron. Kumaway si Xyron sa akin, gaya ng dati full of energy. Mukhang nagmomove on na nga siya. Si Thim naman sinalubong si Shemia.

Sandali lang ay nagpaalam na ang magjowa. Kinawayan ko si Worth at hinigit ko ang braso ni Xyron.

"Woy, bakit?"

"Ahm, Worth," tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako. Dumapo agad ang mga mata niya sa pagkakakapit ko sa braso ni Xyron. Pero panandalian lang. Kaya hindi ko na rin pinansin, "Kakausapin ko lang si Xyron. Ibabalik ko din siya sa 'yo."

Hinila ko papasok ng apartment si Xyron at naiwan si Worth sa labas.

"Anong ginagawa mo, Aya? Baliw ka talaga. Mamaya magselos 'yong Worth mo."

"Edi mabuti kung magselos siya!"

"Huh?"

"Ay naku huwag 'yan isipin mo. Kailangan ko ng tulong mo."

"Ano 'yon?"

"May utang ka sa akin, 'di ba? Hindi mo pa ako totally natutulungan mapalapit kay Worth."

"Eh? Sa sobrang kulit mo parang hindi mo naman na kailangan ng tulong ko."

"Xy, seryoso ako."

"Ah, sige." Pinalo ko ang braso niya, "Aray! Ano ba kasi 'yon?"

"It was my plan."

"Anong plan?"

"Kinausap ko si Thim na ayain si Shemia sumama sa kanya."

"Huh?"

"Ay naku ang hina! Kinausap ko si Thim na magsama sila ni Shemia. Sabi ko kahit three days lang ay doon muna si Shemia sa condo niya. Kaso tinawanan ako no'n ni Thim. Malamanlaman ko uuwi daw silang probinsiya ng three weeks. Mukhang natrigger ko si Thim at may balak talaga."

"And so?"

"Nak ng teteng. Para maging mag-isa ako rito!"

"Oh tapos?"

"Napapagod ako magpaliwanag."

"Bitin-bitin ka kasi. Deretsuhin mo na."

"Para makasama ko si Worth? Nang kami lang? Obvious ba 'yon?"

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now