Chapter 23

16 0 0
                                    

Paglabas ko sa dapit-hapon nadatnan ko si Worth na inaayos ang hose sa tapat ng bahay. Hinanap ko si Lolo para itanong kung inutusan niya ba si Worth pero hindi ko siya mahanap. Pati si Xyron at Trixtan.

I tried to message Shemia but she didn't answer.

Nasa kusina ako ng mga oras na 'yon ng biglang pumasok si Worth. Kalmadong naglakad papunta sa lababo. I saw blood in his hand as he wash it. Ohmygosh!

"Worth!" Nagmamadali ko siyang nilapitan pero parang wala siyang sakit na nararamdaman. "Anong ginawa mo?"

"Cut."

"I know! Bakit?" Naiinis at nag-aalala kong tanong. Naalala ko ang ginagawa niya kanina. "Akin na nga!" Kinuha ko ang kamay niya at binabad ko sa running water, tiningnan kong maigi ang sugat. I frown, "Ang lalim nito."

I look at him. Umiwas siya ng tingin. Pinatay ko ang tubig at iniwan siya.

"Dito ka lang."

Kumuha ako ng talulot ng bayabas sa hardin ni Lolo saka nginuya iyon matapos hugasan. Mula sa bibig ko ay nilagay ko iyon sa sugat niya. Tiningala ko siya.

"Huwag mong aalisin 'yan."

He look at me. No, stare at me.

"I am mad at you," he stated.

Napayuko ako. Pero hindi ko binitawan ang kamay niya.

"Aren't you going to say sorry?" Dugtong niya pa.

"Ako?" Kunot-noo ko siyang tiningnan, "Anong kasalanan ko sa 'yo? 'Yong kaninang umaga? Sorry, okay? Nauna ka naman eh. Nagseselos ka wala ka namang dapat pagselosan."

"I wouldn't say sorry for that. What I felt is valid dahil akin ka."

Hindi ako agad nakasagot.

"A-ako nanaman ang magsosorry?"

"No. I don't want to hear you saying sorry again."

"So 'yon nga? Kaya ka hindi nanamansin kanina pa dahil hinihintay mo akong magsorry? Ang galing mo naman! Ako pa ang magsosorry?"

"Exactly. Because you just degraded yourself. Hindi ka sakin hihingi ng tawad kung 'di sa sarili mo. Before you wanted to feel love why don't you show me how you're loving yourself, Aya? Kanina puro karne ang kinakain mo. You need help sa pagdidilig pero hindi ka nanghingi ng tulong. Shemia encouraged you to join them pero tinanggihan mo. Ganyan ka ba talaga kapag nandito ka? Nasaan 'yong Aya na may confident sa sarili niya? 'Yong Aya sa Maynila na walang pakialam sa iniisip ng iba? 'Yong Aya na laging pinupursue 'yong taong gusto niya para sa sarili niya. Why the hell I feel that I lost you? I am mad. Because this is not you, Aya...

I was jealous. Klinaro ko na 'yon. Tapos na tayo doon. Ngayon naman, I am mad because of what you said to yourself kaninang umaga. I am mad because you didn't bother to talk to me. I—I don't know how, okay? I don't know how to say things directly, Aya. Yet you are making me say these."

Napanguso ako, "Kaya ka ganyan dahil lang sa sinabi ko kaninang umaga?"

"That's not a mere. That's big deal! I don't want to love people who can't love themselves. That's why I don't know what to do when I heard you say those words—"

I cut him, I hug him. Hindi ko na pinigilang umiyak.

'Tama na, Worth. Tama na sa pagpapakain ng konsensiya ko. Gets na gets ko na kung gaano mo kagusto ang Aya na mahal na mahal ka. Pero teka... Teka lang. Imbes na pagmamahal ang nararamdaman ko... Bakit ako nakokonsensiya?'

"Aya... Please, tell me what's wrong?"

INAYA ko siyang maglakad sa tabing dagat kinagabihan. Nagreply sina Shemia at Thim na kasama niya sila Xyron, Trixtan at Lolo. Pinapasunod nila kami pero nagreply ako na bukas na lang kami pupunta ni Worth sa kuweba at mangingisda. Magbabakasali lang akong pagaanin ang nararamdaman niya. At ipaliwanag ang sarili ko.

Gayuma Gone WrongWhere stories live. Discover now